Chapter 2

58.2K 2.3K 2.2K
                                    


Beaufort Subdivision


Hindi naman sinabi ni Felix na formal dinner itong welcome party sa ate nya kaya naman casual attire lamang ang sinuot ko.

May mga kotse sa harap ng mansion nila kaya naman nahihiya na tuloy akong pumasok. Parang gusto ko na lamang umuwi at matulog sa kwarto ko.

Hindi alam ni Felix na nandito na ako sa labas nila dahil hindi ko naman sya tinext. At nawalan lalo ako ng balak na itext sya dahil madami palang bisita. Ayaw ko na sunduin pa nya ako dito sa labas.

Lumapit ako sa isang nakaparadang kotse at sumandal. Hindi naman siguro ito tutunog dahil hindi naman ako magnanakaw.

Yumuko ako at pinagkrus ang mga braso ko. Pero halos mawalan ako ng balanse dahil sa pwersang pagbukas ng pinto sa likod ko.

Napaatras ako at handa na sana sumigaw sa salarin pero nalunok ko yata ang dila ko nang mabungaran ko kung sino ito.

Goddess.

Iyon ang unang pumasok sa isip ko nang makita ko ito. Isang matangkad at seryosong babae ang nakatunghay ngayon sakin. Nalalanghap ko din ang mabango nitong amoy. Halatang mamahalin din ang gamit na pabango.

Hindi naman ako maliit. Naka heels lang talaga sya kaya lumagpas sya ng kaunti sakin.

"Are you one of the maids here?"

"P-po?"

Ako katulong?!

She tsk and turn her back on me. Yumuko ito saglit sa backseat at pagharap sakin ay basta nalang binagsak sa mga braso ko ang mga paper bags.

Mga branded iyon. Edi sya na mayaman.

"Follow me."- malamig na utos nito at gustohin ko man ibagsak ang mga hawak ko ay hindi ko ginawa. Baka pagbayarin nya pako e.

Sa backdoor kami dumaan dahil crowded ang harap papasok sa mismong bulwagan nila.

Ang lawak talaga ng bahay nina bespren. Kahit ilang ulit nako nagpunta dito ay gandang ganda padin ako.

"Are you deaf?"

Nabaling ang atensyon ko sa babaeng naka krus ang mga braso at seryosong nakatingin sakin.

"Hindi po."

"I said, put those bags on my bed and leave."

Lumingon ako sa paligid. Grabe nasa loob na pala kami ng kwarto nya pero hindi ko pa namalayan.

Sabog lang Gwen?

Pula ang cover ng kama nya. At--sandali nga..

"Sino ka po ba?"- tanong ko pagkatapos kong maibaba ang mga gamit nya.

She arc her perfectly shaped eyebrow and rake her cold eyes on me.

Nilamig tuloy ako bigla dahil sa tingin nya kaya pasimple kong hinawakan ang braso ko.

"I don't entertain question from a stranger."- simpleng saad nito at dumiretso na sa kama nya para buklatin ang laman ng mga paper bags.

"You're.. F-Felix sister?"- alanganin na sabi ko. Baka kasi mamaya hindi naman pala.

"I guess."

Nagsalubong ang kilay ko at napatakip sa bibig kalaunan dahil nalintikan na.

Ito nga yata talaga ang ate ng crush ko!

Hala, kasi naman! Bakit hindi sila magkamukha! Tapos akala ko isa sya sa mga bisita dito ngayon gabi. Yon pala sya ang dahilan kung bakit madaming bisita.

His Ate ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon