Chapter 3

54.3K 2.4K 1.5K
                                    


Napahikab ako habang papasok ng school. Pinarada ko ang scooter ko at nag iinat na pumasok matapos maipakita sa guard ang I.D ko.

Napansin ko naman na nagmamadali ang bawat estudyante. Muntik pako mabunggo kung hindi ako gumilid.

"May importanteng bisita daw ngayon?"

"Sino naman kaya?"

"Mamaya na kayo dumaldal. Tara na sa gym"

Bisita? Kaya ba halos lahat patungo sa gymnasium? May importanteng announcement? Bakit hindi ko yata alam?

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang gc namin. Anak ng! May announcement pala kagabi. Hindi lang talaga ako nagbabasa.

Nireplyan ko nalang si Felix. Tinatanong kasi nya kung nasaan na ako. Sabi ko nandito nako sa school.

Kung hindi ko lang sya kilalang clingy sakin baka inisip ko na crush din nya ako. Naks! Mahangin.

Hinanap ko kung nasaan yung course namin at duon ako tumungo para maupo.

"Ano bang meron?"- tanong ko sa kaklase ko na umagang umaga kumakain na.

"May bisita daw e,  hindi kaba nagbabasa ng gc?"

Kumamot ako sa likod ng tainga ko at ngumiti ng alanganin.

"Hindi mo ba alam kung sino?"- tanong ko ulit.

"Hindi. Surprise daw."

Inumang nya sakin yung kinakain nyang tinapay. Umiling lang ako dito at umayos nako ng upo.

Nang mapuno na yung gymnasium ay umalingawngaw na ang pagbukas ng mga speaker. May nagsalita nadin na mga professors sa stage.

"Ang gwapo talaga ni Felix!"

"Oo ang swerte ni Gwen"

"Baliw! Walang sila no"

Napalingon ako sa likod at automatic naman na nagsitahimik ang mga babaita. Nag peace sign pa nga sakin.

Kung war freak lang ako sinungitan ko na sila. Mga marites.

Nasa stage din sina Mr. and Mrs. Beaufort habang katabi si Felix. Matapos magsalita ng MC ay tumayo na si Mr. Beaufort . Nakipalakpak nalang ako kahit hindi ko naintindihan ang sinabi kanina.

Actually minsan lang sila maligaw sa school. Kapag sobrang importante lang saka sila napunta dito. Alam naman kasi nila na in good hands ang school kahit wala sila. Saka wala naman nagkakamali na mag gawa ng gulo. Takot lang nila na mapatalsik.

Natigil ako sa pagsasalita mag isa sa isip ko dahil sa singhapan at bulung bulungan ng kapwa ko estudyante.

Sinundan ko ang tinitignan nila at napaubo ako nang makita kung sino ang kasalukuyan katabi ni Mr. Beaufort sa stage.

Ang kanilang unica hija. She's wearing a tube dress na pinatungan ng brown na blazer. Nakapuyod din ang buhok nya kaya hantad ang leeg at jawline nito.

Pag naka side view lang sila magkamukha ni Felix.

"May ate si Felix?"

"Hala girl ang ganda ng lahi nila. Magpapalahi na din ako"

Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Magpapalahi kanino? Kay Felix? Ang mga babaeng ito kung ano ano ang sinasabi.

Muli akong tumingin sa stage at parang gusto ko nalang maglaho sa upuan ko dahil saktong nagtama ang tingin namin.

Ang walang buhay nitong mga mata ay nakatingin sakin pero unti unting sumilay sa labi nito ang isang tipid na ngiti bago muling bumaling sa papa nya.

"Did you see that dude? She smiled to me! I think I'm in love."

His Ate ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon