Chapter 19

47.6K 2.3K 866
                                    


Later that day, I found out that the admin of the page had signed off. Even the person who leaked the stolen pictures got under fire for doing that.

Grabe pala mainis si ate Veronica.

Hindi nako nag abala pa na maki usyoso sa iba dahil hindi ko naman kilala kung sino yung admin dun o kung ano bang course nun.

Pero nakakaawa padin sila.

"Dezmond nakikinig ka ba?"

Napatingin ako kay Eve. Ang dilim na din nung itsura nito bagay sa pangalan nya.

"Sorry, ano ulit yon?"

Nakagat ko nalang ang labi ko para pigilan ang ngiti ko dahil inirapan nya ako at sinabi pa na nasayang daw laway nya kaka explain. Hindi naman daw pala ako nakikinig.

"Uulitin ko nalang. Makinig kana ha."- nakasimangot na sabi nya.

Magka grupo kasi kami sa reporting. Pero pasensya na at nalipad ang isip ko kung saan saan.

Matapos namin maayos yung report namin ay naghiwalay na din kami.

Dismissal nadin kasi. Nagpahuli lang talaga kami para makapag usap.

Napansin ko na madilim sa labas pero maaga pa naman. Uulan ba?

Para masiguro ay tuluyan na akong lumabas sa building namin.

"Uulan nga"- mahinang sabi ko at hinanda na ang payong ko.

Lumabas nako ng school at naglakad papuntang waiting shed. Napangiwi nalang ako nang mapansin na madami din ang nag aantay duon ng taxi. Habang yung iba naman estudyante na pinagpala sa buhay ay kanya kanyang drive sa kotse nila para makauwi na sila.

Nang maubos na yung ibang nakatambay duon ay saka lamang ako sumilong. Umangat ang tingin ko sa kotseng pumarada sa harapan ko.

Akala ko nga si Felix e pero nuong bumaba ang bintana ay nagwala na naman ang puso ko.

"Hop in."

She said she hates repeating herself, so that's why I just did what she said.

Nang maisuot ko ang seat belt ay pinaandar na nya ang kotse palayo sa school. Kasabay naman nun ang pagbagsak ng malakas na ulan.

I heard her cursed when the thunder roared. She even grip the steering wheel.

She's afraid of thunder?

Pansin ko naman na iba na yung suot nya. Naka dress na kasi ito. Hindi tulad ng usual attire nya na pang opisina.

Hindi ba sya nilalamig? At bakit pala sya naka ganyan?

"I cancelled our plans for tonight since the weather is not that good."- she said while driving.

Our? Si Vincent lang naman ang kilala ko na pwedeng yumaya sa kanya para lumabas.

I felt a pang in my chest. She's well dressed for that guy. And I'm sure that if the weather is good, they'll meet each other. 

I clench my jaw and look outside. I was watching the rain wet the road. 

My mood suddenly went down because of what she said. 

We halted when the red light appeared.

Wala sa sariling hininaan ko ang air-con ng sasakyan nya na ikinalingon nya sakin.

"Are you cold? You should've told me earlier."

Binawi ko ang tingin ko sa kanya at hindi sya sinagot.

His Ate ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon