It's been three months already since I left home.
So far, I could say that everything is going well. My work in the office is fine; I easily get along well with the employees and I have made new friends, which my mother finds amusing.
Akala daw kasi nya kina Vera at Felix lang iikot ang mundo ko kapag usapan friendship.
Sa loob ng tatlong buwan nayon ay walang palya ang communication ko kay Veronica. Yung pagod ko nawawala kapag nakikita ko sya sa video call. Minsan nga nakakatulog pa ako pero hindi naman sya nagagalit sakin.
Palagi kong sinisiguro na ayos lang sya. Hindi padin kasi ako kampante sa nakita kong pasa nya nuong huling nagkita kami.
Nakiusap din ako kay Dad na pakibantayan din sya dahil nasa isang kompanya lang naman sila.
"May naghahanap sayo sa baba"
"Sino?"
Nagkibit balikat si Josh at ngumiti ng nakakaloko. "Basta maganda."
Kumunot naman ang noo ko at tinapos muna ang ginagawa ko bago ako bumaba sa lobby.
Bumagal ang hakbang ko nang matanaw ko kung sino yung pinagtitinginan. Napailing nalang din ako at sinupil ang ngiti ko dahil nakasimangot na sya halatang naiinip na.
"Vera, what are you doing here?"
Para naman syang nakahinga ng maluwag at patakbong lumapit sakin.
"Salamat naman at bumaba kana. Kanina pako naiilang sa mga tingin nila."
"Bakit kasi ang sosyal ng outfit mo?"- natatawa kong sabi.
Inikutan naman nya ako ng eyeballs at hinatak ako sa may waiting area.
"Look, I'm sorry."
"Sorry for what?"
Bumuntong hininga sya at tinuro ang isa pang tao na nakaupo ilang metro ang layo samin.
"Vera——"
"Pasensya na talaga. Ayaw nya kasi akong tigilan e."
Nagtiim bagang ako at pinasadahan ng tingin ang nakayukong si Felix.
"Mag usap na kayong dalawa para hindi na nya ako kulitin."- pakiusap ni Vera at nagpaalam na mauuna na sya sa labas.
I heave a sigh before I move my feet towards him.
His gaze went up to me when he heard my footsteps.
"H-hey.. "- he hoarsely said and stood up.
Kapansin pansin ang pagbabago sa physical nya. May eye bags din sya at medyo nabawasan din ang timbang. Pero malinis padin naman sya manamit.
"Follow me"
Nauna akong nagtungo sa may exit at pumunta sa mini garden sa bandang likod ng building.
Naupo ako sa isang bench duon at inantay syang makalapit sa pwesto ko.
"Thank you. Akala ko hindi mo ulit ako kakausapin."- mababang sabi nya pagkaupo nya duon sa kabilang dulo.
Para tuloy kaming magkaaway dahil sobrang laki ng space sa gitna namin.
Pinag krus ko ang mga braso at hita ko at ngumiti ng bahagya.
"You're still my best friend after all. "
I saw him smile a little, but it didn't reach his eyes. I must've hit a nerve.
"So, uhm, why do you want to see me?"-I asked and straightened my back.
"I want us to reconcile. It's been awhile since the last time we talked. And I know it's my fault that you moved away from me. "