Chapter 39

50.6K 2K 907
                                    



"Hey, everything's going to be alright."- she said while driving.

Dumako ang tingin ko sa kanya at napakagat ako sa labi ko. Pauwi na kasi kami ngayon sa bahay namin. Actually dapat ako lang pero nag insist sya na sasamahan daw nya ako.

Meet the parents na? Lol,  na meet na pala nya matagal na. Iba nalang ngayon kasi may label na.

"Kinakabahan ako."- pag amin ko dahilan para marinig ko ang mabini nyang pagtawa.

"Mukha naman hindi ka kinabahan nung kausap mo si Dad."

"Kung alam mo lang kung paano ako nanginig kanina.."

Hinawakan nya ang kamay ko na nasa ibabaw ng hita ko. Pinagsiklop nya ang mga kamay namin habang yung isa nyang kamay ay nakahawak sa steering wheel.

"Don't be afraid, I'm here. I won't let you down."- she said sincerely.

Humugot ako ng malalim na hininga nang pumarada sa harap ng bahay ang kotse nya.

Mas kinabahan ako ng makita na nanduon pa yung sasakyan ni Dad. Hindi sya pumasok?

Nawala ang pagkatulala ko nang marinig ko ang pagsara ng pinto ng driver seat. Bumaba na pala sya.

Lumabas nadin ako ng kotse at tumabi sa kanya. Sabay kaming nagtungo sa front door. Sya na yung pumihit ng doorknob at binuksan ang pinto——

"Ma! What the hell!"- sigaw ko nang makitang muntik ng matamaan si ate Veronica nung binato nyang baso. Buti nasalo iyon kaagad ni ate.

Galing ng reflex nya ah!

"Language Gwendolyn!"- saway naman ni Papa.

"Naku! Pasensya ka na hija, akala ko kasi anak ko lang ang umuwi."- sabi ni Mama at hinila na ito papasok sa loob.

Hoy, ako yung anak mo Ma!

Sinarado ko ang pinto at nagtungo na sa sala. Iniwas ko ang tingin ko kay Mama na kausap ngayon si ate Veronica.

Tinigil ni Papa ang ginagawa nya sa laptop nya at sinarado muna iyon.

"Maupo ka na."- sabi nya sakin.

Hindi pa ako tuluyan nakakaupo nang maramdaman ko ang pagdiin ng kamay sa balikat ko.

Mom forcefully made me sit on the couch. My lips twitched when I felt her pinch my side. 

Ate Veronica chuckled as she sat down beside me. 

"Now, explain." --sabi ni Mama. 

"Ahm Tita, can I tell you something first?"

Hinawakan ko naman ang tuhod nya at pinanlakihan sya ng mata.

"What is it?"- si Papa na parang curious nadin.

"Gwen was with me yesterday. Something happened, and she took care of me. I know you're worried and I'm sorry po."- sabi nya sa parents ko na nakatulala nalang yata sa kanya.

Ang lumanay kasi ng boses nya. Yung sobrang lambing sa pandinig.

"Anong nangyari sa inyo?"- tanong ni Mama nang makabawi sya.

Yes Ma, may nangyari nga. Shocks! Ang manyak ko.

"She saved me."

Nakita ko naman ang pag ngiti ni Papa habang si Mama ay tinaasan lang ako ng kilay.

Hala, hindi ba sya naniniwala na helpful akong tao?

"Tama na yan, akyat na po muna ——"

"Tita, Tito since we're all here, I hope you don't mind if I tell you guys something?"

His Ate ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon