"Good morning!"- I exclaimed when I entered the dining area.
"Morning"- Dad replied. He's busy reading some papers.
Inagaw ko yon sa kanya at nilagay sa isang tabi.
"Mamaya na po yan. Let's eat breakfast muna. Sayang effort ni Mama mag luto."
Natawa nalang ito at ginulo ang buhok ko. Tinulungan ko na si Mama na ilagay sa mesa ang mga niluto nyang umagahan.
"Good mood ka yata. Anong issue?"
"Marites ka Ma?"
"What's that?"
Napangisi nalang ako at napailing.
"I'm just happy po that's why I'm energetic today."
"Araw arawin mo na yan."- komento pa nya.
Napanguso ako. Hindi ko naman kasalanan kung hindi ako palausap minsan e. Sadyang may pagka silent type lang ako.
Matapos kumain ay hinatid nila ako sa school. Ihahatid din kasi ni Papa si Mama duon sa shop kaya naman sinabay na nila ako. Kesa daw mag scooter pako. Baka daw umulan mamayang hapon.
Advance talaga sila mag isip. Pinabaunan pa nga ako ng payong na for sure hindi ko naman magagamit. Matigas ulo ko e, pasensya na hehehe.
"Hey"- Felix greeted when he saw me.
"Morning!"- nakangiti kong bati dito.
"Anong meron? Ang saya mo yata?"
"Syempre!"
"Care to share?"
"Saka na. Kapag sure nako sa nararamdaman ko."
Napahinto naman ito at tinitigan ako. Nawala din ang kislap ng saya sa mga mata nya at napalitan ng pagtataka.
"May nagugustuhan ka na ba?"
Humagalpak naman ako ng tawa. Hindi kasi maipinta ang itsura nito. Pero gwapo padin talaga.
"Secret. Tara na baka malate tayo. Andami ko ng kasalanan sa ate mo."
Kahit hesitant pa ito ay sumunod padin ito sa akin papasok sa classroom namin.
Hindi na din naman sya nagtanong o nangulit sakin.Pero kinakausap padin nya ako the whole duration ng klase. Ang daldal lang talaga. Buti nga hindi sya bumabagsak e. Sya kasi yung tipo ng madaldal pero mabilis maka gets ng lessons.
Habang ako naman hindi ako pala review ng notes pero kapag iniscan ko na ang mga iyon e natatandaan ko naman kaya nakaka pasa padin ako sa mga quizzes and exams namin. In short mabilis ang mga neurotransmitters ko magpasa ng information.
Ang pag aaral naman kasi ay hindi umiikot sa memorization. It's about understanding the things you're reading.
When lunch came, both of us went to the cafeteria.
"Ako na ang oorder. What do you want to eat?"
"Kahit ano basta may chocolate"
"Okay. Wait here. "
Sumandal ako sa upuan pagkaalis nya. Madami naman ang nakita kong sinusundan ng tingin si Felix.
I can't blame them. He got the looks and the body every men at his age dreaming to have.
Pagkabalik nya sa table dala ang order namin ay nagsimula na kaming kumain.
"You have.. "
"Hmm?"