Kakatapos ko lang maligo at kasalukuyan akong nagpupunas ng buhok nang maisipan ko na buksan ang phone ko na nasa bed side table.
Medyo 1hr nadin ang lumipas mula nang maihatid nya ako. Nakauwi na kaya sya?
"What?"- kunot noo kong sabi habang binabasa ang text nya.
Imbes kasi na ‘I'm home’ yung nakalagay duon ay naging ‘I'm here, Open the door please’.
The text was sent 30 minutes ago. I put down the towel on the side and dialed her number.
After three rings she answered it.
"Nasaan ka po?"- I worriedly asked.
"Kitchen"- tipid na sagot nya.
"Po? Paano ka po nakapasok?"- gulantang na sabi ko.
"Ask your mom."
Napasimangot ako nang babaan nya ako ng tawag. Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Nakarinig naman ako ng ingay sa kusina.
Mostly boses ni Mama ang naririnig ko. Nandito nga sya?!
Sumilip ako at nakita ko ang pigura nyang nakaupo sa kitchen counter. May blazer nadin na nakapatong sa balikat nya. Alam ko na sa kanya iyon dahil kakulay iyon ng dress nya.
Lumabas lang ako sa kinatatayuan ko nang tawagin ako ni Mama.
"Ikaw talagang bata ka! Kung hindi pako umuwi, edi nabasa lalo sa labas itong bisita mo!"
"Aray Ma!"- daing ko dito at sinalag yung pangungurot nya sa tagiliran ko.
"Ano ba kasing ginagawa mo at hindi mo manlang sya pinapasok? Nakakahiya——"
"I was taking a bath. I didn't know she texted me."- putol ko sa sinasabi nya at lumayo na sa kanya.
Baka hindi lang tagiliran ko ang kurutin nya e. Sumulyap ako kay ate Veronica. Kumunot ang noo ko dahil imbes na mainit na tasa ng kape o chocolate ang nasa harap nya, ang nakita ko duon ay isang baso ng malamig na tubig. Kita ko pa yung unti unting pagkakalaglag ng butil ng tubig sa labas ng baso.
"Why are you drinking cold water?"
"Why? What's the matter?"- she asked, confused.
Hindi ba obvious?! Ang lamig lamig kaya! Halata ko din nga na naambunan ang ulo nya dahil medyo parang basa ang buhok nyang nakalugay e.
"Malamig——"
"She said she doesn't drink coffee or chocolate anak. Kung ako sayo tulungan mo nalang ako maghanda ng makakain natin."
"Natin?"
"She'll sleep here."
"Ha?!"
Sabay naman silang napatingin sakin dahil sa malakas kong sigaw.
"Bakit? We have guest room and it's too risky to drive tonight."- sabi pa ni mama nang makabawi ito sa gulat.
Nang tumalikod si Mama ay nagkaroon ako nang pagkakataon na lumapit sa kanya. Napanguso ako nang taasan ako nito nang kilay.
Naupo ako sa tabi nya at inagaw ang nag vavibrate nyang cell phone.
Inoff ko iyon nang mabasa kung sino ang natawag.
"What do you think you're doing?"- she muttered. Just enough for me to hear.
"I want your attention. You're in my territory, madame."
Napangisi ako nang umawang ang labi nya. Parang may gustong sabihin pero hindi maituloy dahil may kasama kami.
"What? Cat got your tongue?"- I teased again as I let my hand snake around her waist.