BEAUFORT UNIVERSITYIt's a prestigious school owned by my best friend's family. Matagal na ako dito pero hindi ko padin maiwasan na mamangha sa sobrang ganda ng paligid.
May malaki pa ngang fountain sa gitna kung saan may mga sculpted na anghel na may naglalakihang pakpak.
Malawak din ang parking area pati na ang soccer field. Sa kabilang dulo sa gawing kanan naman nanduon ang gymnasium na pinag dadausan madalas ng mga program.
Ibat ibang estduyante, ibat ibang level din pagdating sa income ng bawat pamilya.
Masasabi ko naman na swerte ako kasi hindi naman kami sobrang mahirap. Saka ko na ikukwento kung anong pinagkakaabalahan ng pamilya ko.Inayos ko ang strap ng bag ko at humakbang na papasok ng school--
"Gwen!"
"My gosh Felix!"- gulat na sambit ko dahil muntik ako mangudngod sa biglaang pagdamba nya.
"Sorry , Na missed lang kita bff."- nakangiting sabi nito at ginulo ang buhok ko.
Felix Beaufort my best friend who happened to be the son of the school owner.
Kung usapan gwapo, walang tapon dito dahil pati katawan ang gandang pagmasdan. Ang bango pa nya palagi tapos palagi pa itong nakangiti.
"In love kana ba sakin?"- taas baba ang kilay na sabi nito.
"Ang.. kapal pa din ng mukha mo."
Inirapan ko nalang ito at tinalikuran upang itago ang pamumula ng pisnge ko. Humagalpak pa ito ng tawa habang nakasunod sa akin.
Pareho lang kami ng klase dahil ginaya nya ang schedule ko. Ayaw mapalayo sa akin.
Shems! Nag iimagine na naman ako!
We're both BSBA students and I know you know why. I don't need to elaborate it.
"Felix duon ka kaya sa upuan mo."
He laugh again and I can't help but to blush. Ang gwapo kasi talaga nya.
"Relax Gwen. Hindi ako papagalitan, saka wala naman permanent seat ang mga tao dito satin."
Tama naman sya. Yung mga kaklase namin kung saan saan din naupo as long as kasama o katabi nila ang mga friends nila.
"Stop smiling. Nag papa cute ka na naman sa kanila."- saway ko dito
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nila na tagapagmana itong si Felix. Sobrang dami din nagkakagusto dito pero kahit isang beses hindi ko narinig na may pinatulan sya sa mga iyon.
"Are you jealous?"
I blink my eyes many times before glaring at him. Pinagsasabi nito?
He raise his hands as a sign of defeat while chuckling in a manly way.
"I'm just kidding."
Ha! Kidding ka dyan, akala ko alam nya na may gusto ako sa kanya.
Isa pa naman yon sa secret ko na kahit kailan hindi ko sasabihin sa kanya. Not unless sya unang umamin samin.
Hayst nababaliw na naman ako. Lakas makaasa!
Pagdating ng lunch break nakabuntot padin sa akin si Felix.
Sa kakaganyan nya madalas kaming mapagkamalan na may relasyon.
Syempre ako nahihiya pero sya walanghiya at tuwang tuwa pa na sikat na din daw ako tulad nya.
Palagi ko naman tinatanggi na may kami dahil ayaw ko din naman maging desperada no. Ayaw ko din matuwa sa mga nag shiship samin dahil baka mamaya ako lang pala yung may feelings tapos sya in love pala sa iba, hindi nya lang sinasabi sakin.
"Come to our house tomorrow night."
Nahinto ako sa pagsubo ng pagkain dahil sa sinabi nya.
"Bakit?"
"My dearest sister is coming home and I want you to meet her."
"Sister? Akala ko ba hindi kayo close?"
Nabanggit kasi nya sakin na meron nga daw syang ate. Pero hindi sila ganon ka close dahil nasa ibang bansa ito. Sa puder ng lolo at lola nila na sa kasamaan palad ay yumao na.
"Medyo close naman. She will come home because Mom and Dad are worried about her. Mag isa nalang kasi sya duon sa bahay dahil wala na nga sina lolo at lola."
"Bakit ba nanduon ang ate mo? E ikaw dito ka naman sa Pilipinas nag stay"
"I don't know. I was a kid back then when she left, that's why I'm happy when I met you, Gwen. Dahil sayo hindi ko masyadong naramdaman na mag isa ako na lumaki."
"I'm a sister figure na pala. Naks! Call me Ate Gwen dali!"- kantyaw ko dito kahit pa may kirot sa puso ko.
"Sira ka! We're on the same age, I'd rather..."
"Ano?"- taas kilay na tanong ko pero kumamot lang ito sa likod ng ulo nya at umiling.
****
"Ma?"- bungad ko pagkapasok ko palang ng pinto. Binuhay ko ang ilaw at napanguso. Wala pa sila.
Dinampot ko ang sticky note na nakadikit sa ibabaw ng coffee table at binasa.
We're on a date. Just eat whatever you want to eat there anak. We'll be home later.
-Mama
Napangiti ako at napailing. Kahit may edad na sila nagdedate pa din sila ni Papa. Ang sweet lang.
Kelan kaya ako?
I blush when Felix handsome face came into my mind.
Tinamaan na talaga ako.
Pumanhik na ako sa itaas upang magpalit ng damit pambahay. Ginawa ko muna ang ilang homework's bago ako bumaba ulit para tignan kung ano ang pwede kong makain.
Kinuha ko yung ulam sa ref at ininit. Nag saing nadin ako ng kanin. Kumuha ako ng yogurt drink at naupo ako sa sala para manuod ng t.v habang inaantay ang pagkalam ng sikmura ko.
Hindi ko kasi ugali na kumain kapag hindi pa ako nakakaramdam ng gutom.
Madalas kasi na sinasakitan ako ng tiyan kapag kain lang ako ng kain. In short mahina ang panunaw ko kaya naman kapag gutom na ako kumukuha lang ako ng kaya kong ubusin.
I check my phone and smile when I saw Felix name pop out.
"Are you home?"
Nagtipa ako ng reply at pinigil ang tawa ko.
"No, I'm Gwen."Hindi nagtagal ang nag reply agad ito. Siguro hawak lang nito ang phone nya.
"Happy?"
Ang sungit!
"Yes, super!"
Super happy ako kapag ka text ko sya. Sana ganon din sya.
Nag asaran pa kami at nung mawalan na ako ng sasabihin ay pinatay ko na ang phone ko at bumalik na ako sa kusina para makakakain.
Kung gusto kong humaba ang buhay ko dapat hindi ako nagpapalipas ng pagkain.
Ikakasal pako kay Felix e.