Chapter 28

50.3K 2.2K 1.7K
                                    



Pinunasan ko ang pawis na namumuo sa noo ko at binuksan ang ilang butones ng suot kong white long sleeve.

Alam kong pinagmamasdan nya ang bawat kilos ko kahit pa hindi ko sya tinitignan ngayon.

Alam ko din na sinasadya nyang magkalat para lang may malinis ako dito sa condo nya.

Sabi nya kasi ‘please me with all your might’. At ito ang inoffer ko. Ang maglinis. Pero hindi ko naman alam na pahihirapan nya ako.

"Pagod ka na?"- rinig kong tanong nya.

I cleared my throat and straightened my back. I grip the mop holder and smile at her. 

"No. I'm about to finish.

"Clean my room as well."

Napaawang ang labi ko. Gusto ko nang tumanggi pero bumalik na sya sa pagbabasa ng magazines sa couch.

I want us to be okay. But I end up being a maid.

Kinuha din nya sakin kanina ang phone ko at hindi ko alam kung saan nya nilagay. Hindi ko tuloy alam kung hinahanap na ako samin o hindi pa.

Matapos kong mag mop ng sahig ay tumungo na ako sa kwarto nya.

I was expecting her room to be beautiful just like her, but it's the opposite. Her room is too bland. The colors are just black and white.

She has a queen-size bed, and there's a big picture of her on the wall. When it comes to furniture, she doesn't have any. Except for the one and only sculpted knife displayed on the side just near her bed.

Kwarto ba nya talaga to? Bakit parang ang lungkot naman.

Nagsimula na ako mag vacuum. Pinunasan ko na din ang mga bagay na pwede kong punasan.

Napahinto lang ako nang may nakita akong kakaiba.
Lumuhod ako at pinagmasdan yung vault sa bed side table nya.

Namumukod tangi na may pass code. Pero kung titignan mo para lang syang drawer dahil same color lang.

Maybe the things she has in there are too confidential?

"What are you doing?"

Napalunok ako at napatayo ng maayos nang marinig ko ang boses nya. Nakapasok nadin pala sya sa kwarto.

Tinignan nya ako bago bumaba ang tingin sa bagay ng tinititigan ko kanina. Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan nang kumislap ang mga mata nya at bahagyang umangat ang sulok ng labi nya.

"I'm going to ask you again. What are you doing?"

"I.. I was just——I mean I saw it a-and.."

Nakagat ko ang labi ko at madiin napapikit. Ano bang sasabihin ko? Parang wala na akong maisip na sasabihin dahil nakakatayo ng balahibo ang mga tingin nya.

"Sorry po"- iyon nalang ang nasabi ko at muling hinawakan ang vacuum.

Bigla naman syang tumawa. Yung tawang nakaka aliw pakinggan.

"Loosen up. Palagi ka talagang aligaga kapag kaharap ako."- sabi nya at napailing pa.

Lumapit sya sa vault na tinitignan ko kanina. May pinindot sya duon at binuksan nya yon.

"This is where I'm hiding the things that matter to me."- sabi nya.

Dahan dahan akong lumingon sa kanya. Wala naman akong nakitang kakaiba duon, bukod sa isang puting sobre.

Sinarado na nya iyon at tinignan ang suot nyang wrist watch.

"I guess this is okay, stop cleaning."

His Ate ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon