"Lahat po ito?"
Tulad ko ay umikot ang paningin nya sa buong silid at tumango.
"This is.. too many."- nakasimangot kong sabi habang nakatalikod sa kanya.
"This is your punishment. You asked for it remember?"
I bit my lower lip when I remembered what happened at the back earlier. On how she almost made me lose my mind.
"But this is——"
Natahimik ako nang itaas nya ang kamay nya.
"Stop talking and start arranging all of it. I will tell Mrs. Del Mar to keep an eye on you".
No way! Ang terror kaya ng matandang iyon!
"Ate V-veronica.."- nakangiwi kong sabi dahil tumalikod na ito at binuksan na yung pinto.
"Hmm?"
"W-wala po pala."- nahihiyang sabi ko at hinayaan na syang umalis.
Napabuga ako ng hangin at nilagay sa bewang ko ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang pag aayos ng mga libro dito. Ang dami dami kasi!
Ayan Gwen tulog ka pa ulit ha? Para sa susunod mag mop ka sa buong building!
Nakakalahati nako sa ginagawa ko nang bumukas ang pinto.
"Miss Dezmond. Fancy seeing you here for the first time." - Mrs. Del Mar said, and as usual ang sungit na naman ng itsura.
"First and last na po ito Ma'am."
Naglabas ito ng pamaypay at naupo sa gilid.
Tagaktak ang pawis ko nang matapos ako sa pag aayos. Napansin ko naman si Ma'am na medyo nakakaidlip na sa upuan nya.
Iwanan ko kaya sya dito? Naku baka ma pektusan pako nito gamit yung pamaypay nya kapag iniwan ko sya.
Matapos kong punasan ang pawis ko ay lumapit na ako dito at bahagya itong ginising.
"Before I forget, Miss Beaufort told me earlier that you must go to her office if you're done here. She wants to have a word with you again, Miss Dezmond. Mukhang ginalit mo talaga sya ngayon."- sabi nito bago ako iniwan sa hallway.
Ginalit?
E mukha naman syang hindi galit kanina nuong iniwan nya ako.
Pag akyat ko sa floor ng office nya ay hindi muna ako tumuloy dahil nakita ko si Felix na kalalabas lang duon at parang galit pa yata?
Nakasimangot kasi ito at mabilis ang lakad na tinungo ang elevator.
Nagtago nalang ako sa gilid hanggang sa lumagpas ito sa kinatatayuan ko at pumasok sa elevator.
Huminga ako ng malalim at lumapit na sa pinto ng office ng ate nya.
Kakatok palang sana ako pero nakaawang naman ang pinto kaya hindi ko na ginawa.
Tinulak ko nalang iyon ng bahagya. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko si ate Veronica na nakatitig ng matalim sa ballpen na hawak nya.
Baka nga nag away silang dalawa.
"Mis——"- nahigit ko ang hininga ko dahil sa bigla nitong pagbato ng ballpen sa direksyon ko.
Mabuti nalang at mabilis akong umilag kaya hindi ako tinamaan pero nanduon pa din yung kaba ko.
"Don't you know how to knock?!"- singhal nya na ikinakislot ko.
Geezz! Her anger now is real! Unlike earlier na pwede ka pa mag joke.
"The door is open so why would I still knock?"
Natutop ko ang bibig ko dahil sa sinabi ko.
Frustrated na sinuklay nya ang maganda nyang buhok at pinikit ang mga mata nya. Pagmulat nya ulit ay wala na ang galit duon.
Malambot na ang tingin nito sa akin.
"Come here."- medyo husky na sabi nito.
Binaba ko ang bag ko sa couch bago lumapit sa mesa nya.
"Tell me, am I bad?"
"H-hindi naman po?"
She squinted her eyes and I awkwardly smile at her.
"I mean, I just known you for weeks. So ahm..I'm not sure."- nahihiya kong sabi dito.
"One month na. Lutang ka ba?"- masungit na sabi nya.
I mentally face palm myself.
Oo nga pala.
"Bakit ka po ba galit?"- pag iba ko nalang sa usapan.
"Ask your dearest best friend"- naka cross arms na sabi nya.
"I'm sorry po"
"For what again?"
"For ditching class and sleeping."
"It's okay. I just hope that this will be the first and last time, Gwen. I'm not tolerating those kinds of behavior here".
"Opo"
"You can go home now. Take care."
Tumango nalang ako at kinuha na ang bag ko saka lumabas ng office nya.
Paglabas ko ng school ay sya naman pagpasok nuong pamilyar na itim na sasakyan.
Hatid sundo? Edi sanaol.
Sumakay nako sa scooter ko at umuwi na sa amin.
Pagkadating ko duon nagulat ako dahil nanduon si Felix.
"Napagod ka ba? I'm sorry I should have talk to ate earlier para——"
"Hayaan mo na. Kasalanan ko naman."
Nilampasan ko sya pero hinawakan naman nya ang braso ko.
"We're okay right?"
"Oo naman. I'm not mad at you if that's what you're worrying about." - sabi ko at tinanggal ang pagkakahawak nya sakin.
Iniwan ko sya sa ibaba. Umakyat nako sa itaas para makapag linis ng katawan.
Pag bukas ko ng phone ko duon ko lang nakita ang mga missed calls and messages ni Felix kanina nuong hinahanap nya ako.
Pagkababa ko ay wala na sya. Ang sabi lang ni mama ay nagpaalam na daw ito.
"Magka away ba kayo?"
"Hindi po"
"E bakit ganyan kayo?"
"Hindi ko po alam——aray Ma!"
Hinampas nya kasi ako sa braso kaya muntik ko ng mabitawan yung hawak kong mangko ng chips.
"What's happening here?"- ang baritonong boses ni Papa.
"Itong anak mo inaway ang best friend nya."- sumbong ni mama na ikinalaki ng mga mata ko.
"Hindi po totoo yan ha."
Napailing naman si Papa at humalik kay mama.
"Baka LQ lang talaga sila ngayon Ma. Hayaan mo na,lilipas din yan." - sabi nito kay Mama at kumindat sa akin.
Iniwan ko na sila duon at bumalik na ako sa sala. Naupo ako at nagbukas ng t.v.
Grizzy and the lemmings. Minsan may mga katangahan talagang nakakatawa.
"Don't forget to drink water, Gwen."- paalala sa akin ni Dad bago ito magpunta sa kwarto nila ni Mama para magbihis.
Bawal kasi ako sa maaalat pero pasaway talaga ako madalas kaya kumakain padin ako.
E bakit ba? Kung mamamatay ako at least nakain ko yung mga gusto ko.
De jk. Ayaw ko pa mawala. Need ko pa ayusin itong magulo kong feelings. Sana nga maayos ko.