"I'm sorry po."- nakayukong sabi ko habang nakakuyom ang mga kamay sa ibabaw ng hita ko.
Nakaupo sa kabilang couch si Mama at seryosong nakatingin sakin.
"Sorry for what? For drinking or for leaving without prior notice to us?"
"Both?"
Nagitla ako ng hampasin nya yung coffee table. Nakagat ko din ang labi ko. Galit na galit Ma?
Bigla naman itong humalakhak na parang aliw na aliw sa itsura ko ngayon.
"Joke lang anak. Si Felix naman ang nagpaliwanag sa amin dahil nakita ka daw nya kagabi. Pero sa susunod sana naman magpaalam kana sa amin. Nakakahiya mang abala ng ibang tao."- mahabang lintanya nito at tumayo na.
"Hindi ka po galit?"
"Hindi. Safe ka naman nakauwi e. Ayaw ko lang na hindi ka nagpapaalam sa amin ng Papa mo."
"Hindi na po mauulit, promise!"
"Gusto mong makabawi?"
Sunod sunod naman ang tango na ginawa ko.
"Maglinis ka ng bahay, tapos sumunod ka sa shop."
"Po? Ma naman—— joke! Sabi ko nga gagawin ko na hehehe"
Mabilis akong umalis sa harapan nya at hinanap na ang mga gagamitin kong panlinis sa bahay. Mas better mag simula ng maaga para maaga din matapos.
Siguro mamaya nalang ako babawi ng tulog kapag wala nakong punishment.
****
Beaufort University
I yawned as I made my way inside the classroom. The finals are approaching. I kinda hate it, really.
Ito kasi yung simula ng mga araw na puro rush ang gawain e. Yung ang dami laging mga ipapasa tapos choosy pa yung ibang professors.
Nakita ko naman si Felix. Umikot ang mata ko sa room. Naghahanap ng ibang mauupuan.
Hindi kasi nya ako pinapansin e. Tapos sabi pa ni Vera na inaway ko daw ito nuong gabi sa party. Sa tuwing naaalala ko yon ay gusto ko nalang wag na talaga kami mag usap.
"Saan ka pupunta?"- taka nyang tanong nang makitang nilagpasan ko ang upuan sa tabi nya.
"Sa likod."
"Nandito ang upuan mo."- he reminded me and arc his thick eyebrow.
"I know——"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang hilahin nya ang kamay ko para makaupo ako sa upuan ko.
"Mas bagay ka dyan. Dito sa mismong tabi ko."
Umiwas naman kaagad sya ng tingin nang paningkitan ko sya ng mga mata. Halata mo din ang pamumula ng pisnge at tainga nya.
Psh. Lakas bumanat. Mahiyain naman.
"Wag moko kausapin ha"
"B-bakit?"
"Tutal hindi mo naman ako pinapansin tulad ng dati, e di panindigan mo na yan hanggang graduation."
"Grabe ka naman Gwen!"- reklamo nya kaya lihim akong napatawa.
Hindi ko sya kinausap, bahala sya dyan. Ang tangkad tangkad nya pero gusto nya ako pa lalambing sa kanya.
Dapat nga ako sinusuyo nya kasi iniwasan nya ako.
