Chapter 25

53.8K 2K 471
                                    


Napabalikwas ako ng bangon at napasapo sa ulo ko nang umikot ang paningin ko.

Where the heck am I?!

Hindi pamilyar sa akin ang amoy ng kwarto at pati na yung mga nakikita kong gamit.

Bumaba ang tingin ko sa damit ko. Bumilog ang mga mata ko nang makita na hindi na ako naka dress. Tanging loose tshirt nalang ang suot ko pati undergarments ko.

Kinakabahan na bumaba ako ng kama at nagtungo sa banyo para maghilamos. Paglabas ko ay nagitla ako nang bumukas din ang pintuan ng kwarto.

"Hey gorgeous! Good morning!"- malawak ang ngiting sabi nito.

Sino nga sya ulit?

Para naman nabasa nya yung nasa isip ko dahil mas lumawak pa ang ngiti nya.

"I'm Vera from last night's party. Kumusta ang ulo mo masakit ba?. Di mo naman sinabi na may problema ka pala edi sana dinala kita sa bar para duon mag lasing."

"L-lasing?"

Tumango naman sya habang naka crossed ang mga braso.

"Hindi mo ba maalala?"

Umiling naman ako at hinawakan ang laylayan ng damit na suot ko.

"Ininom mo lang naman lahat ng drinks na sineserve. Inaway mo pa nga si Felix e."- natatawa nyang sabi.

"What?!"

"Yes, you're so wasted. Buti nalang nailayo na kita sa madla bago ka pa nag ingay ng husto. Hindi ko na din inabala pa na hanapin kung sino ang kasama mo papunta duon dahil ang kulit kulit mo."

Kasama? Napatampal ako sa noo ko nang maalala ko sina mama.

"Where's my phone?"

Tinuro naman nya yung bed side table. Kinuha ko ang cell phone ko pero low bat na pala yon.

"Do you need something? You're in my condo, by the way."

"Do you have something decent that I could wear?"

Bumaba naman sa katawan ko ang tingin nya. Napakagat labi pa nga ito na ikinapula ng pisnge ko.

Pumasok ito sa walk in closet nya at paglabas nya may dala na syang damit.

"Lumabas kana lang kapag tapos ka na. I prepared breakfast for us."

Nang makalabas na sya ng kwarto ay nagbihis na ako. Tinupi ko ang loose shirt na suot ko kanina at nilapag sa gilid. Kinuha ko na din yung phone ko at nilagay sa bulsa ng suot kong pants.

"Na saan nga pala yung dress ko?"

Umakto naman itong nag iisip bago ngumiwi.

"I threw it. Puro suka mo na kasi yon e."

Another face palm! Nakakahiya naman.

"Pasensya kana ha. Naabala pa kita."- nahihiya kong sabi.

"Ano ka ba. Wala yon no!"- natatawang sabi nya. "Maupo kana. Kumain na tayo bago pa dumating ang kuya ko."

I'm sitting across from her. She prepared fried rice and eggs, with bacon and hotdogs. She also gave me a cup of hot chocolate.

"Tell me who broke your heart."

Napaubo naman ako sa tanong nya. Mabilis naman nya akong inabutan ng tubig.

Pano naman nya nalaman na broken hearted ako? Hindi kaya kung ano ano ang pinagsasabi ko sa kanya kagabi?!

His Ate ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon