"That's too much! "
"No, it's just alright. Gwen likes it a little bit spicy. "
"But you poured too much!"
"No, trust me. I've known her for so long that I've already memorized everything about her! "
Rinig ko ang pagtatalo nila kaya naman sumilip na ako sa kusina. Nagsusukatan pa silang dalawa ng tingin kaya naman kinatok ko yung dingding.
"What's going on? You guys were too loud."- sabi ko at sumandal sa hamba ng pinto.
"Ask her/him!"- sabay pa nilang sabi.
Ate Veronica let out an exasperated sigh and rolled her eyes at her brother.
She even clenched her jaw while crossing her arms. Para syang batang spoiled na hindi nakuha yung gusto."Can't you guys be more civil with each other?"- suhestyon ko.
Ang hirap kiligin kung ako pa mismo magiging dahilan ng alitan nilang magkapatid.
"I'm civil. I'm still respecting her."- Felix replied, and turned his back on us.
"Coward"
Nagitla ako nang mabitawan ni Felix ang hawak nyang baso. Nabasag iyon na agad naman nyang pinulot. Samantalang nanatiling naka sandal sa kitchen counter yung ate nya na magka krus pa ang mga braso at nakangisi.
"You remember something, Felix? "- ate Veronica teased.
Felix stood up and turned to his sister. His jaw was clenched and there was an unreadable emotion in his eyes.
"I don't. Could you please stop teasing me?"- he said firmly.
Magkapatid nga silang dalawa! Parehong pareho sila kapag malapit na silang mapikon.
Ate Veronica chuckled and fixed her posture. She gave Felix one last glance before storming out of the kitchen.
Nagkibit balikat ako at kumuha ng dust pan at walis para mawalis yung ibang bubog.
"Thanks."- sabi ni Felix pero tanging tango lang ang ginawad ko sa kanya.
Napahinto lang ako sa pagwawalis nang hawakan nya ang kamay kong may hawak sa dust pan.
"Let me do it."
"Okay"- I said, and gave it to him.
Umatras ako at bumuntong hininga. Nagsimula na syang magwalis at nang tumalikod sya para itapon iyon ay pumuslit na ako palabas ng kusina.
Wala akong naabutan tao sa sala kaya naman lumabas ako sa terrace.
"Gwen!"
What the heck!? Bakit nandito silang lahat?
Mula sa pakikipag usap kay ate Veronica ay tumakbo si Vera papunta sakin. Muntik pako ma out balance nang dambahin nya ako ng yakap at halik sa pisnge.
"Anong ginagawa mo dito?"- taka kong tanong nang pakawalan nya ako.
"I'm visiting you duh!"
Kumamot ako sa pisnge ko at sumilip sa likod nya. Napangiwi ako at agad din nagbawi ng tingin dahil ang sama ng tingin sakin nung dragona!
"Ayos kalang? Bakit namumutla ka?"
Sinalat pa ni Vera ang noo at leeg ko pero marahan ko lang na hinawi ang kamay nya.
"P-pumasok ka na sa loob. Nandun naman si Felix."
"How about you?"
"Susunod ako. May gagawin lang ako."