"We're here because I want us to talk about the kiss."
•••••••
Ilang minuto din kaming tahimik. Hindi kasi ako nag react nuong lumabas ang mga salitang iyon sa bibig nya.
Nanatili sa akin ang seryoso nyang tingin. Kung nasa anime lang ako baka mawala na yung mukha ko dahil sa kaba.
"Here's your orders, Ma'am"- the waiter said with enthusiasm.
Pagkalapag sa table namin ng lahat ng orders nya ay mas nagwala ang mga alaga kong ahas sa tiyan.
"I'll wait for your answer. For now, kumain ka muna."
Dahil gutom na talaga ako. Pinatulan ko na ang sinabi nya. Hindi naman ako kumain na parang gutom na gutom. May poise pa din naman.
Nakakahiya naman sa kanyang sobrang hinhin sa pagkain. Mahihiya kana lang mang istorbo.
Nauna pa nga ako natapos sa kanya. Ewan ko ba sa kanya at parang gandang ganda sya dun sa table knife dahil pinaglalaruan pa nya yon.
"Ma'am--"
Sabay pa kaming napa igtad nung waiter dahil sa bigla nyang pagtusok dun sa karne.
"What?"- she asked emotionless.
"W-wine po?"
Kunot ang noo na tinignan nya ang waiter.
"I didn't order wine."
"Pinapabigay po ni Sir."
She cross her arms and squinted her eyes.
"Sinong sir? Is he richer than me?"
"Po?"
Gusto kong matawa. Na confused kasi yung waiter sa tanong nya.
Pero sino ba yung poncio pilato na yon? Panira ng dinner.
"Whoever he is, tell him that I can buy my own wine. But thanks anyway."
"Hindi nyo po tatanggapin ma'am?"
I cleared my throat to have their attention.
"Pakibalik nalang po yan sa kanya. Hindi namin kailangan yan."
Humingi ng paumanhin yung waiter bago bumalik sa pinanggalingan nya. Nakita ko pa yung sinasabi nitong Sir. Isa din customer.
Tsk, typical bachelor look. Akala yata makakasungkit sya ng babae dito.
"Can you answer me now?"- baling nya naman sakin.
I bit my lower lip and sighed. I don't know where to start. And is she really serious? Dito talaga namin pag uusapan?
Bakit Gwen, saan mo gusto?
"I don't want to say it in public."
She raised her hand to call the waiter. She opened her purse once the bill was given to her.
"Let's go?"
"S-saan po?"
"You're not comfortable here, right? Then let's go somewhere else."
Napasunod ako dito dahil balak yata nya akong iwanan kapag hindi pako sumunod.
Pero hindi pa kami tuluyan nakakalabas ng pinto ay may humarang na sa kanya.There's this tall guy talking to her. He was all smiles, but I can't tell what she was thinking because I can only see her back.
Sya yung lalaki kanina!