Chapter 36

49K 1.8K 894
                                    




" Fred was in a coma. "

"What?!"

"Oh sorry, hindi mo ba alam?"

"I wouldn't act like this if I knew Eve!"

"Well, now you know."

I met Eve in a mall. And we chose to catch up near a coffee shop. But I didn't know that she had bad news to tell. 

"Kailan pa?"

Uminom muna sya sa kape nya at bumuntong hininga. Tumanaw din sya sa labas kung saan madaming naglalakad na tao.

"The day after our graduation... "-she paused, I don't know exactly what happened. I just heard that his car was smashed pretty badly in the dark alley. "

"Do you think it's an accident?"

Nilingon nya ako at umiling. "Fred may act like a bad guy, but he's not a reckless driver."

"Then you're saying it was planned?"

She shrugged her shoulders and sipped on her cup.

"Walang CCTV sa lugar. May lamppost nga pero sobrang lalayo ng agwat. At saka walang bakas na naiwan. Tanging kotse lang ni Fred ang naabutan ng mga pulis duon."

Napasandal ako sa upuan ko at tulalang napatanaw din sa labas.

"Sino naman ang gagawa sa kanya nun?"- mahinang sabi ko.

"I don't know either. But I hope he wakes up soon. Even though he's so annoying, it's still sad to hear that he's in a coma."

Tama sya. Kahit pa sabihin na pasaway o pang asar palagi si Fred ay nakakalungkot padin mabalitaan na ganoon ang nangyari sa kanya.

Bigla ko tuloy naalala yung sinabi nya sakin. Na gusto nya magpapicture dahil baka nga iyon na yung huli.

Sana lang magising din sya kaagad at wag na umabot ng ilang taon pa.

Matapos namin magkape ay nauna na syang nagpaalam sakin dahil may pupuntahan pa daw sya.

Lumabas na din ako sa coffee shop pero napahinto din ako nang may nakita ako sa kabilang side ng kalsada.

"Ate Veronica?"

Hindi ako pwedeng magkamali. Sya yon! Sa tindig at side view palang nya ay kilalang kilala ko na sya.

Anong ginagawa nya sa ganitong lugar? Hindi ko naman sinasabi na bawal sya sa public places pero bakit parang himala yata na pareho kaming nasa iisang lugar lang?

Akala ko ba busy sya? Kasi matapos nilang dumalaw sa bahay ay hindi ko na sya nakita ulit.

Nung pahapyaw naman akong nagtanong kay Felix, nabanggit nya na madaming pinapa asikaso ang parents nila sa kanilang magkapatid.

Inantay kong mag red light bago ako tumawid. Sinundan ko ang daan na nakita ko kaninang pinuntahan nya.

Tumatakbo na nga yata ako para lang maabutan sya pero pagliko ko sa eskinita ay wala na akong nakita.

Where the hell did she go?!

Napakamot ako sa pisnge ko nagdesisyon na umalis nalang. Baka nga namalikmata lang ako.

Bago pa ako makahakbang palayo ay nakarinig na ako ng ingay na parang may nagbagsakan.

Tahimik ang eskinita. May munting mga usok pa nga e at mga bote ng alak sa gilid.

Alam nyo yung mga eskinita sa movies? Ganoon sya. Hindi naman totally creepy. Tahimik  lang talaga.

Naalarma lang ako nang may narinig akong tili.

His Ate ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon