Malamig na lapag.
Malamig at matigas na lapag ang hinihigaan ko.
Dinilat ko ang aking mga mata. Madilim.
Hinintay ko ang ilang segundo upang mag-adjust ang paningin ko sa dilim.
Saka ko nakita ang yero sa mataas na bubong. Tinignan ko ang paligid. Tiles. Tiles everywhere. I’m in the middle of an empty pool. An Olympic-sized pool. Umupo ako. Sa labas ng pool ay nakapalibot ang matataas na sementadong bleachers. Sa itaas nito ay mga basag na bintana. Sa bandang kaliwa nanggagaling ang liwanag mula sa bilog na buwan sa labas.
Tinignan ko ang aking sarili. Suot ko pa ding ang bulaklakin kong bestida at sneakers. Saka ko napansin ang prison shackle na nakakabit sa aking kanang paa. Nakakabit ang makapal na kadena ng shackle sa isang ground anchor. Beside me are three bundles of keys. Sobrang dami ng susi sa isang bundle. Hundreds. I think these keys are hundreds. Beside the keys is a… handsaw.
Nagulat ako ng biglang bumulwak ng malakas ang tubig galing sa malaking pipe sa apat na sulok ng pool. May tao. Paniguradong may kasama ako dito. “Tulungan niyo kooo!” sigaw ko. “Please, pakawalan niyo ko ditoooo!”
Walang sumagot. Umalingawngaw lang pabalik sa akin ang sigaw ko. Sinubukan kong galawin ‘yung ground anchor ngunit nakasemento ito sa pool. Mabilis na dumaloy ang malamig na tubig papunta sa gitna kung nasaan ako. Fck! Fck! Fck!
Kinuha ko ‘yung handsaw. Sinubukan kong lagariin ‘yung kadena. But who am I kidding? Makapal ang kadena at imposibleng maputol ko ito. Instead, I began to saw the padlock. Malaki at makapal ang padlock. Ngunit nakakailang lagari na ako at walang nangyayari. Mapurol itong lagari. Ugh. Fck.
I then reached for the keys with trembling hands. Sinubukan ko isa isa at pinasok sa malaking kandado ng shackle. Nanginginig ang kamay ko at kinakabahan ako. Tumataas na ang tubig hanggang sa bewang ko.
Kokonti pa lang ang susi na nasusubukan ko. Hindi ko alam kung masamang panaginip ba ‘to. Kung panaginip man ‘to gusto ko ng magising. Naguumpisa na ding lumabo ang paningin ko dahil sa namumuong luha sa mata ko.
Umabot na sa dibdib ko ang tubig pero hindi ko pa din nahahanap ang tamang susi. Tumayo na ako at patuloy na sumubok.
Sunod sunod na tumutulo ang luha ko ng makaramdam ako ng pagkawala ng pag-asa. Sht! Sht! Sht! I’m gonna die here. I’m gonna drown here. There’s no hope. I’m gonna die.
“Heeeelp!” I started to yell again. “Tulungan niyo koooo! Pleeeaaase!” umiiyak kong sigaw. Tumaas na hanggang tiyan ko ang tubig. There are still lots of keys I haven’t tried. May dalawang bundle pa. “Tulungan niyo ko! Parang awa niyo na! Pakawalan niyo ko!”
Kahit na nawawalan na ako ng pag-asa, sinubukan ko pa din ang mga susi. Nangangatog na ako sa lamig. Hanggang sa umabot na ang tubig sa dibdib ko at kailangan ko ng lumubog para subukan pa ang natitirang susi.
Bawat susi, isang ahon. Hanggang sa hindi ko na kaya. Nasa baba ko na ang tubig at paniguradong ilang segundo na lang hindi na ako makakahinga. Binitawan ko na ang mga susi at nag-umpisa ng magpumiglas sa shackle. Tumingkayad ako at sumigaw, “Tulungan niyo koooooo!”
Pero tila walang nakakarinig sa akin. Walang sagot. Bumabalik lang sa akin ang mga sigaw ko. Tanging alingawngaw lang ng boses ko ang naririnig ko. Walang ibang tutulong sa akin. Walang ibang taong nandito para sa akin. Walang magliligtas sa akin.
BINABASA MO ANG
Undercover Queen
Action[Book 2 of Undercover Chic] The Undercover Chic is a secretary no more. It won't be pen and gun anymore. Get ready to get hypnotized again. Because this time, we're talking about tiara and gun. Officer Yeo reporting for duty as an Undercover Queen.