“Hetong hadobong manok duon sa may dulo ng la mesa,” utos sa akin ni Lola Aning, kapatid ni Lola Carling. “Pagtapos mo hilagay yaan duon he bumalik ka dito dahil malapit lapit na din maluto hiyong ginaasang dalagang bukid.”
“Okay po,” tipid kong sagot sabay lakad na palabas ng kubo dala dala ‘yung isang kaldero ng adobo.
Pagdating ko sa pang dalawang last supper na la mesa na ang laman lang ay puro pagkain, agad kong pinatong ‘yung dala ko. Napahawak ako sa braso ko, ang bigat nun ah. Kanina pa ako pabalik balik dito at hatid ng hatid ng mga pagkain. Tumulong din ako kanina sa kusina maghiwa ng mga sangkap. Ayun lang naman ang alam kong gawin.
Napatingin ako kay Trevor na kakadating lang ata, inaayos niya ‘yung mga kahoy na pangreserba sa bonfire. Bale, eto nga pala ‘yung sinasabi niyang I want all your energy for tonight. Dahil maghahatid pala ako ng mga pagkain ngayong gabi. Tsh.
“Hera!” narinig kong tawag sa akin ni Lola Carling. “Luto na ‘yung dalagang bukid! Mekeni!”
“Opo,” sagot ko at bumalik na sa kubo para sundin ‘yung utos niya.
Pagkalapag ko ng pagkain sa mesa, nilapitan ako agad ni Lola Carling. “Pagod ka na ba, ia?”
“Medyo lang po. Pero kaya pa naman.”
“Osiya. Hikaw e sumandok na hat kumain na. Halam kong pagod at gutom ka na,” aya sa akin ni Lola.
Kumuha na ako ng dahon ng saging at sumandok ng pagkain. Tumabi ako at nakiupo kila Lola.
“Pasensya ka na hat mukang napagod kita masyado, si Gyno kasi talaga dati hang gumagawa nung mga gawain na hiyan,” sabi niya habang naghihimay ng isda.
Napalingon ako agad sakanya. “Gyno po?” nagtataka kong tanong.
Tumango si Lola. “Bago pa man tumulong sa hamin dito si Trevor, si Gyno talaga hat hang kanyang nanay hang naunang nagaabot sa hamin ng tulong. Kaya nga lang, maagang kinua ng maykapal hang dalawa.”
Nanatili lang akong nakatingin kay Lola. Si Gyno? May mga taong tinutulungan si Gyno noon? Bakit hindi ko ‘yun alam? Naabutan ko pa ‘yung Mama ni Gyno noong naging kami. Pero hindi ko alam na meron pala silang tinutulungan na mga tao dito sa Pampanga.
“Indi ba masarap hang luto?” tanong ni Lola sa akin. “Hikaw e kumain na hat nang tayo’y makasalo na sa sayawan.”
Napalingon uli ako kung nasaan si Trevor. Kasama niya ‘yung mga bata sa may bonfire. Kilala na ba niya talaga noon pa si Gyno? Hindi naman imposible. Naging magkaibigan si Charles at Gyno.
Pagtapos naming kumain eh lumapit na din kami sa may bonfire. Karamihan nandoon na. Nagkkwentuhan, nagkakantahan at nagsasayawan. Hinanap ng mata ko si Trevor pero nawala na siya sa pwesto niya kanina. Saan naman nagpunta ‘yun?
“Lola,” tawag ko sa atensyon ni Lola Carling na katabi ko. “Gaano po katagal kayong tinulungan ni Gyno?”
“Nako, magmula bata pa lang hiyon kasakasama na hiyon ng kanyang nanay tuwing pupunta dito. Pero kait na namatay ang kanyang nanay, indi noon nakalimutan dumalaw dito. Kaso nga lang, hilang taon lang din matapos kunin ng maykapal hang kanyang nanay, siya naman ang nawala,” malungkot niyang kwento.
BINABASA MO ANG
Undercover Queen
Action[Book 2 of Undercover Chic] The Undercover Chic is a secretary no more. It won't be pen and gun anymore. Get ready to get hypnotized again. Because this time, we're talking about tiara and gun. Officer Yeo reporting for duty as an Undercover Queen.