Nagtitingin ako ng pictures sa DSLR ni boss habang naka-indian sit sa shotgun seat. Kasalukuyang pinapatugtog sa radyo ang rendition ng Gracenote sa When I Dream About You ni Stevie B. Mapaghahalataan mong bias ang photographer. Puro mukha ko nandito eh. Simula 'to nung palosebo hanggang awarding of winners kaninang hapon. Isa si Trevor sa mga nag-photographer for Artography.
Ang gaganda ng kuha niya. Bonus na lang 'yung mukha ko sa maganda niyang shots. Sa background ng mga kandidata kasama 'yung view ng taal volcano, taal lake o 'yung mga yate. Kita din sa background 'yung gandang pinagmamalaki ng club. Pati na din ang litaw na ganda ng mga kandidata kahit na walang make-up at pawisan. Ito ang tunay na hashtag no filter.
Maka-Pilipino ang tema. Beauty of Taal, Filipina beauty at mga larong Pinoy.
Priscilla acted normal earlier. Though hindi siya naglaro miski isang game talaga throughout the sportsfest, nanatili lang siyang bangko sa group nila. She made no attempt para lapitan si Sung Ryeong. Para bang wala nga talaga siyang naalala sa ginawa niya nung lasing siya.
"Any wild guess bakit pupunta si Sung Ryeong sa Brazil?" tanong ni Trevor habang nag-ddrive.
Patuloy pa din akong nagtitingin ng mga litrato. "Hmm... Ang unang pumasok sa isip ko ay baka may transaction siyang magaganap doon. Worst, naisipan na niyang tumakas ngayon kasi alam na niyang minamanmanan ko siya. Kaya dapat talagang masundan natin siya." Binaba ko na 'yung camera sa dashboard. Napakusot ako ng mata. Nasa SLEX na kami. The dashboard clock says it's already 7pm. Tumingin ako sa magkabilang gilid para tignan kung may signage ba kung ilang kilometro na lang pa EDSA.
Pero iba ang nakita ko sa bandang kanang unahan namin. A black Maserati Granturismo. Isang sasakyan lang ang pagitan namin. Nakuha nito ang atensyon ko hindi lang dahil crush ko na agad 'yung sasakyan, kundi pamilyar at alam ko kung sino ang kilala kong may ganoong sasakyan. Wala iba lang naman kundi si Sung Ryeong. Sakanya kaya 'yun?
Binaba ko na ang paa ko at napaayos ng upo. Napahiwalay ako sa sandalan para tignan ito ng maigi. Tinignan ko ng mabuti 'yung loob ng sasakyan. Good thing it's not heavy tinted. Walang tao sa back passenger seat. "Boss, medyo abante ka nga," utos ko kay Trevor.
Nilingon niya ako. "Bakit?"
"Basta. Konti lang," sagot ko habang nakatitig sa salamin ng driver's side ng Maserati.
Sinunod naman niya ako. Nang may tumamang ilaw sa Maserati mula sa sasakyan sa harap namin para mag-overtake sa likod nito, nailawan ng nag-overtake ang bintana sa side ng driver, bahagya akong umangat at naaninagan ko ang maiksing buhok ng isang babae na nag-ddrive. I am 100 percent sure that is Sung Ryeong's head.
Napakunot ako ng nooo ng makitang kumanan ito pa exit sa SLEX. "Boss, sundan mo 'yung black Maserati," agad kong sabi kay Trevor at turo sa sasakyan. "Pero 'wag ka masyadong pahalata."
Mabuti at alerto si Trevor. Nag-overtake siya at agad niyang nasundan paliko ang sasakyan. "Sino ba 'yun?"
"Sure akong si Sung Ryeong 'yun eh." Imbis na dumiretso siya pa-Makati, pabalik sa hotel, lumiko siya pa C5.
Trevor kept a distance. Binagalan niya lang ang andar at nasa likod lang kami ng isang elf truck. Samantalang si Sung Ryeong ang nasa unahan ng elf truck. Nagsilbi naman akong look-out na dikit na dikit ang ulo sa bintana para siguraduhing hindi mawawala sa paningin ko si Sung Ryeong. Medyo gumigilid si Trevor para maaaninag ko pa din 'yung Maserati.
"Right," alerto kong sabi ng kumanan si Sung Ryeong.
Lumiko din si Trevor at mabagal lang ang patakbo niya. Tsk. Baka mahalata kami sa ginagawa namin. Panigurado kilala ni Sung Ryeong 'tong sasakyan ni Trevor dahil kaninang madaling araw lang eh sakay namin siya para bilhan ng inhaler. Napakagat ako ng labi at nag-isip ng maaaring gawin.
BINABASA MO ANG
Undercover Queen
Action[Book 2 of Undercover Chic] The Undercover Chic is a secretary no more. It won't be pen and gun anymore. Get ready to get hypnotized again. Because this time, we're talking about tiara and gun. Officer Yeo reporting for duty as an Undercover Queen.