“Love mooooves, in mysterious waaaays! It’s always so surprising, when love appears over the horizoooon! I’ll love youuuu for the rest of my daaaays…”
Napadilat na ko ng mata sa pangalawang chorus ng Love Moves in Mysterious Ways ni Bridge. Sa condo na ‘to, hindi mo na talaga kailangan paminsan ng alarm clock eh. Wake up call lang ng mga kaibigan ko, mapapabangon ka talaga.
Bumangon na ako ng kama at dumiretso sa banyo para maligo. Alas kwatro na ako ng madaling araw nakauwi kanina.
Sinamahan kong kumuha ng mga gamit at damit nila Chris at MJ si Trevor. Ayaw kasing umuwi nung dalawa. Hindi pa din nagigising si Tita Mary. Ang sabi ni Trevor kaya inatake si Tita dahil sa matinding kalungkutan. Nabanggit din ni Mary Jane na inatake ‘yung Mama nila dahil dumalaw sa puntod ni Charles. Buti na lang at may kasama siyang driver at nadala agad siya sa hospital.
Pagtapos kong maligo eh sinuot ko na ‘yung uniform ko. Papasok ako sa headquarters ngayon kahit hindi naman kailangan. Nakakabagot kaya mag-isa dito sa bahay at hintaying umuwi mga kaibigan ko.
Pagpunta ko ng kusina, nakahain na ‘yung hotdog at bacon na halos araw-araw naming almusal simula ng mawala si Anne. Nilapag ko ‘yung backpack ko sa katabing upuan ko at sinimulan ng kumain.
“Kumusta ang weekend getaway niyo?” tanong ni Gabbie na kakaupo lang.
“Ayos lang naman. Napauwi nga lang ng maaga.”
“Bakit?”
“Inatake kasi ‘yung Mama ni Trevor eh. Nakakaawa nga, pangatlong atake na niya ‘to,” sagot ko sabay subo ng kanin.
“Bakit inatake?” alalang tanong ni Bridge.
“She still misses her late son,” malungkot kong sabi.
“Oh,” sabay na sagot nina Bridge at Gabbie.
Pagkainom ko ng tubig, tumayo na din agad ako. Sinuot ko na ‘yung police cap ko at sinukbit ‘yung bag. “Monday ngayon ah, hindi ako toka sa hugasin,” sabi ko sakanila.
“Ang duga mo! Ako naghugas nung Saturday! Dish wash day mo kaya ‘yun!” angal ni Bridge.
“Bye, honeeeys!” paalam ko palabas ng pinto.
Pagdating na pagdating ko sa headquarters, bumungad agad sa akin ‘yung mukha ni Manaloto. “Good morning, Summer my babe! Naparito ka ata,” bati niya habang prenteng nakaupo sa tapat ng desk niya.
Dirediretso ako sa desk ko at binagsak ‘yung bag sa mesa. “Boring sa bahay.”
“Asus! Namiss mo lang ako eh,” kinikilig niyang sabi.
Binigyan ko naman siya ng matalim na tingin sabay irap.
“Ang sungit mo talaga. Kaya labs na labs kita eh!”
“Tigilan mo ako Manaloto ah.” Hinila ko na ‘yung swivel chair at umupo. Kinuha ko sa drawer ‘yung files ni Hye Soo at muling ini-scan. Meron ba siyang kamag-anak dito sa Pilipinas na posibleng dinalaw niya sa hospital kahapon? Kaibigan? Pamilya?
Ang sabi dito, ulila na si Hye Soo. Ang natitirang pamilya na lang niya noon ay ‘yung nanay niya na natagpuan ngang patay noon sa apartment. Maagang nawala ‘yung tatay niya at isa pang kapatid dahil sa lumubog na barko. Madami na ding criminal records ang tatay niya. Naging Wanted din pala ito at tinangkang tumakas kaso nga lang ‘yung araw na din na ‘yun eh lumubog ang barko na sinasakyan ng tatay niya kasama ‘yung kapatid niya
BINABASA MO ANG
Undercover Queen
Action[Book 2 of Undercover Chic] The Undercover Chic is a secretary no more. It won't be pen and gun anymore. Get ready to get hypnotized again. Because this time, we're talking about tiara and gun. Officer Yeo reporting for duty as an Undercover Queen.