Tinitigan ko ‘yung kape sa harap ko habang hinahalo ito. Kasalukuyan kong hinihintay si Chai dito sa loob ng coffee shop sa hotel habang nakikinig sa malamig na boses ni Sam Smith. Rest day ng candidates ngayon. Hapon na pero 'yung mukha ko pang-good morning pa din. Ay hindi, wala nga palang good sa morning ko.
Inangat ko ‘yung paningin ko ng mapansin si Chai na umupo sa tapat ko. Napakunot ‘yung noo niya ng makita ako. Ilang segundo niya akong tinitigan. “Anyare? Sigurado ka bang natulog ka kagabi?”
Natulog naman ako kagabi kahit na ang sakit sakit sa puso ng mga pangyayari. Ikaw kaya lagpas isang araw nang gising. Tumango lang ako sabay higop na sa kape ko.
Pinatong niya sa table ang isang make-up box with security code at paper bag. “Ito na ‘yung mga pinapadala mo,” she said in a discreet voice.
Napabuntong hininga lang ako. Alam mo ‘yung feeling na gusto mo lang humilata sa kama dahil nakakatamad magtrabaho kasi nga bwisit na ‘yan broken hearted ako ngayon. But no, apparently, I can’t do that.
Kinuha niya ‘yung tissue sa tabi ko at naglabas ng ballpen. Nag-umpisa siyang magsulat. Inikot niya ‘yung tissue sa akin at binasa ko ‘yung nakasulat doon habang humihigop ng kape, ‘195. I’ve been monitoring our spy cams. Mukhang hindi talaga gumagana ‘yung cctv. Hanggang ngayon wala pa ding nakakapansin at nagtatanggal. The netbook is also in the box. You can monitor the cameras, I’ve saved the app’s shortcut on the desktop.’
Nilapag ko na ‘yung paper cup ko sa mesa. May konti pang kape na natitira. Kinuha ko ‘yung tissue at nilagay sa loob ng paper cup. Nilubog ko ng tuluyan sa kape ‘yung tissue gamit ‘yung stirrer. Kinuha ko ‘yung make-up box pati paper bag at tumayo na. “Thank you so much, Chai. You, girl, are my savior. Please put that cup in the trash,” I groggily said then got out of the coffee shop.
Pag-akyat ko sa kwarto ko, dumiretso ako sa banyo at nag-lock. Pinatong ko sa bathroom counter ‘yung make-up box at paper bag. I’ve already checked the whole bathroom this morning. No hidden cameras, no bugs. Tinapon ko din ‘yung mga toiletries dito sa loob. Nilabas ko sa paper bag ‘yung mga bagong toiletries na pinabili ko kay Chai. Matapos iayos, kinuha ko ‘yung make-up box at umupo sa loob ng bathtub. Bathtub na walang tubig.
Binuksan ko na ‘yung lock ng make-up box. 195. Nilabas ko ‘yung netbook at in-on ito. Binuksan ko ‘yung app sa desktop para tignan ‘yung cameras. Hati ang screen sa anim na scene. Tatlo sa taas at tatlo sa baba. ‘Yung naunang dalawa ay camera sa hallway ng 30th floor na nilagay ko kagabi. Samantalang ‘yung natitirang apat ay sa apat na elevator. Nakapwesto ito sa opposite side ng elevator keypad at top-center ng pader ng elevator. Si Chai ang nag-install kaninang madaling araw.
The hallway is currently cleared. No one in sight. Wala din namang Hye Soo sa mga elevator.
Nilapag ko saglit ‘yung netbook at hinalungkat uli ‘yung make-up box. Kinuha ko ‘yung folder sa loob.
Pagbukas na pagbukas ko pa lang, bumungad na sa akin ang mga pangalang Kevin Carro, Angelo Opuesto, Eman Valeros at Charles del Julio. Pati mga pictures nila at ng PH’s Finest. Throwback ang peg ko ngayon.
Iniscan ko ‘yung papel sa folder at naghanap ng ibang pangalan na involve. Natigil ako ng makita na ‘yung mga Chinese names.
Yam Zhi Fan
Wang Yi Cong
Dy Zan Guang
BINABASA MO ANG
Undercover Queen
Action[Book 2 of Undercover Chic] The Undercover Chic is a secretary no more. It won't be pen and gun anymore. Get ready to get hypnotized again. Because this time, we're talking about tiara and gun. Officer Yeo reporting for duty as an Undercover Queen.