Naiwan na ako mag-isa dito sa may pool. Nakaupo sa table for two. Pero one na lang ako ngayon. Kasi ‘yung better half ko ayun, nag-fly fly na out of the country. Tonight, I’m the woman who can’t be moved.
Hinawakan ko uli ‘yung wine glass na nasa tapat ko at diniretsong lagok ‘yung laman nito habang nakatingin sa kawalan.
Sabi naman niya business trip lang pupuntahan niya. Babalik naman siya eh. Di ba dapat masanay na ako na lumilipad lipad siya para sa business trip? Kasi di ba pag mag-asawa na kami ganito na ‘yung set-up namin? Para naman sa future namin ‘to eh. Kailangan niya magtrabaho para sa future namin. Di ba? Kasi nga 20,600 na anak ‘yung gusto niya, di ba? Ibibigay ko ‘yun bumalik lang siya now na!
Putspa memasabi na lang ako sa sarili ko para lang pampalubag loob eh.
Napatingin ako sa mesa ng may magpatong ng cake sa tapat ko. Tinignan ko kung sino ‘yung nagpatong. Scarred guy. He’s in his Chef’s uniform again.
Binigyan niya ako ng tipid na ngiti. Nilabas niya ‘yung phone niya at nagtype. “A damsel in distress. Again and again.”
Epal naman ‘tong lalaking ‘to. Palagi na lang umeentrada pag nag-momoment ako.
“Baked it for you. Why won’t you take a bite?” tanong niya.
Tinignan ko lang siya at hindi inimik. ‘Wag na. Mamaya may lason pa ‘yan.
Nag-type uli siya. “Ang alam ko ako ‘yung pipi sa ating dalawa eh. Gusto mo bang hiramin ‘yung phone ko para maiparating ‘yung gusto mong sabihin?”
Wala akong gustong sabihin. Ay teka, meron pala, “Leave me alone,” I said in a plain tone sabay tingin sa kawalan ulit.
Umupo siya sa bakanteng upuan sa tapat ko. “One bite, please. It’s one of the best seller here.”
Tinignan ko siya ng masama. Kulit nito ah. “Sabi ko leave me alone.”
“Just one bite.”
“One bite then you’ll leave.” Padabog kong kinuha ‘yung tinidor sabay murder sa cake at subo ng walang poise. Nakailang nguya lang ako sabay lunok agad. Masarap eh. Ayoko ngang ipakita na masarap. “You call that best seller?” mataray kong tanong sakanya.
Binigyan niya lang ako ng malawak na ngiti sabay type sa phone. “You really love your boyfriend. Lucky man.”
Tignan mo ‘to. Pati lovelife ko iniintriga. Ipalit kita diyan kay Boy Abunda eh. Inikutan ko lang siya ng mata sabay baling ng tingin sa pool.
“One man once said to me that pain is the basis of how much we love a person. Not the happiness we feel whenever you see him. Not the happiness he made you feel,” sabi ng epal na nasa tapat ko. “The man said everyone can give you happiness. You can buy happiness actually. Though it’s a temporary happiness. But the one you truly love can give you so much pain. And that’s how you’ll know you really love a person. Because a genuine love always comes with pain.”
Tinignan ko siya sa gilid ng mata ko.
“You’re in deep pain now because you really love him that much. But let’s not forget that a genuine love should be always equipped with trust.”
BINABASA MO ANG
Undercover Queen
Action[Book 2 of Undercover Chic] The Undercover Chic is a secretary no more. It won't be pen and gun anymore. Get ready to get hypnotized again. Because this time, we're talking about tiara and gun. Officer Yeo reporting for duty as an Undercover Queen.