“Tick. Tock. Tick. Tock,” bulong ng orasan sa taas ng couch sa may paanan ng kama ko.
“Growling. Growling. Eureurong. Eureurong,” galit na sabi ng aking tiyan.
“Magtext ka na, please. Magtext ka na, please,” sigaw ng aking isip.
“Sorry na, boss. I love you, boss. ‘Wag ka ng magalit, boss. Kiss na lang kita, boss. Mwa mwa tsup tsup. Huhuhu, boss,” hinanakit ng aking puso’t pagkatao.
Hinagis ko ‘yung unan sa tabi ko sabay ikot papunta sa kabilang parte ng kama at nagtatatadyak. “Aaaargh!” Hinampas hampas ko ‘yung kamay ko sa kama. “Boooooss, sorry naaaa!”
Sinilip ko ulit ‘yung cellphone sa may uluhan ko. Pinindot ko ‘yung home button. Wala pa ding text. Mag-aalasingko na ng madaling araw, wala pa akong kain ng hapunan, sabi niya magtetext siya pag nakauwi na siya, anyare?
Sinalampak ko ulit ‘yung mukha ko sa kama. Alam ko namang kasalanan ko eh. Bakit kasi hindi ko agad sinabi? Ang dami ko pa kasing inarte eh. Pucha naman oh. Sorry naman, sa pag-iinarte lang naman talaga ako magaling eh.
Inangat ko na ‘yung ulo ko at kinuha ‘yung phone. Dinial ko ‘yung number ni Trevor at sinubukan siyang tawagan. Kaso biglang may sumagot na babae. Magandang boses ng babae ang nasa kabilang linya. Napatakip ako bigla ng bibig. “The subscriber cannot be reached. Please try later,” sabi ng babae sa kabilang linya.
Waeyo? Waeyo doing this to me, Trevor? Waeyooo?
Sinubukan kong i-redial ‘yung number niya. Pero ‘yung babae pa din ang nakakasagot ng tawag ko.
“Hindi ikaw ang gusto kong makausap pwede ba!” sigaw ko sakanya sabay baba na ng phone.
Bakit mo naman ako pinatayan ng cellphone? Ayaw mo ba talaga akong makausap?
Sunod ko namang dinial ay ‘yung number ni Mary Jane. Kaso binura ko din agad. Malamang natutulog na ‘yun. Makakaistorbo pa ako. Si Fatima na lang ang tinawagan ko. Baka alam niya kung nasaan bestfriend niya.
“Hello, Officer Yeo, napatawag ka ata,” panimula niya.
“Alam mo ba kung nasaan si Trevor?”
“Ah. Hindi pa kami nagkikita at nag-uusap ulit eh. Bakit?”
Napabuntong hininga ako. “Ah ganun ba. Sige, sorry sa abala.”
Napatitig na lang ako sa cellphone ko matapos ibaba ‘yung tawag. Baka naman nakaynila George lang siya. Nahihiya kasi akong tawagan si George eh. Nangako kasi akong tatapusin namin ‘yung show niya at sabay na mag-didinner.
Tama, baka nandun lang ‘yun. Sabi niya kanina siya na mag-eexplain kay George, di ba? Baka pinuntahan niya lang ‘yung pinsan niya. Tapos na-lobat na siya. Tapos pag-uwi niya pagod na pagod na siya kaya natulog na siya at hindi nakapag-charge. Kaya hindi ko siya ma-contact. ‘Wag paranoid, Summ, ha? Ganun lang ‘yung nangyari.
Siniksik ko na ‘yung ulo ko sa ilalim ng unan ko. Sleep, come to momma. Ples?
Pero ilang minuto lang ay hinagis ko na ulit ‘yung unan sa uluhan ko at umupo. Nagkalat na ‘yung mga unan ko sa sahig at wala ng natira sa kama. Tumayo na ako at bumaba papunta sa kusina.
BINABASA MO ANG
Undercover Queen
Action[Book 2 of Undercover Chic] The Undercover Chic is a secretary no more. It won't be pen and gun anymore. Get ready to get hypnotized again. Because this time, we're talking about tiara and gun. Officer Yeo reporting for duty as an Undercover Queen.