Chapter 21

33.2K 649 34
                                    

Hindi pa din ako tinitigilan ng mga humahabol sa akin. Nanlalambot na ang mga binti ko pero kailangan kong tumakbo ng matulin. Hindi ako pwedeng mahuli ng mga smugglers na ‘to. Pumasok ako sa isang abandonadong building at tuloy tuloy na tumakbo pa akyat.

Hanggang sa makadating ako sa pinakataas. Sa rooftop. Shoot. Walang malapit lapit na building na pwedeng talunan. Napatingin ako sa likod ko. Nandito na din sila. Mga naka-black suit. May hawak na mga baril. Masama ang tingin.

Napaurong ako ng dahan dahan. Sumisilip silip ako sa likod ko. Tinaas naman ng isang lalaki ang baril niya at tinutok sa akin.

Bigla akong tumalikod at tumakbo patalon sa building.

“Araaaa!” Agad akong napadilat at napabalikwas sa kama dahil sa lakas ng kalabog ng pinto. Napaupo ako at masamang tinignan ‘yung pinto. Anakngteteng! “Araaaa! Bumangon ka na diyan! Ma-lalate na tayo!” sigaw ni Chai galing sa labas ng kwarto ko. Kinuha ko ‘yung phone ko sa gilid ng kama at tinignan ‘yung oras.

Shoot! 8:45 am na! May training nga pala ng 9am!

Agad kong binitawan ‘yung phone ko sa kama at hinagis ‘yung kumot na nakapulupot sa akin. “Andiyan naaa! Maliligo laaang!” sigaw ko kay Chai.

Nagtanggal ako ng shirt at bra habang tumatakbo papunta sa banyo. Samantalang ‘yung shorts at underwear naman pagpasok.

Mas mabilis pa sa lalaking nagbubura ng inbox at sent messages para hindi mahuli ng girlfriend kung makaligo ako.

Mabilisang toothbrush at bihis na ang ginawa ko. Kung anong nakuha ko sa mga damit ko ayun na ‘yung sinuot ko. Hindi ko na nga nasarado ng maayos ‘yung cabinet sa pagmamadali ko.

Hindi ko na ininda ‘yung sakit sa anit habang nagsuklay. Pakiramdam ko sinasabunutan ko na sarili ko sa pagpupumilit na matanggal ‘yung buhol sa buhok ko gamit ‘yung suklay. Napatingin ako sa sahig ng may marinig na nalaglag.

Hala! Napahawak ako agad sa leeg ko. Napigtas ‘yung kwintas na binigay ni Trevor. Sumabit ata sa suklay. Kinuha ko agad ‘yun at nag-umpisa na namang kumatok si Chai. “Araaa! Bumaba na ‘yung roommate mo. Ano, nalunod ka na diyan?”

“Eto naaa!” Binaba ko na ‘yung suklay sa dresser. Pinatong ko muna ‘yung kwintas katabi ng suklay. Hinablot ko ‘yung phone sa kama at pumps sa gilid ng pinto.

Kakatok pa sana ulit si Chai ng buksan ko na ‘yung pinto. Sinuot ko ‘yung pumps habang tinitignan niya ‘yung itsura ko. “Ten minutes of preparing but you still look perfect. I really envy you, woman.”

“Is my outfit okay?” Inabot ko sakanya ‘yung phone ko dahil wala akong bulsa at wala na din akong balak magdala ng bag.

Binulsa naman niya ‘yung phone ko. “Skater skirt paired with spaghetti top. Not bad,” sabi niya habang tinitignan ang kabuoan ko. “Bun your hair when it dries off.”

Mukhang kami na lang ang hinihintay pagbaba namin sa lobby. Sumakay kami sa mini bus paglabas ng hotel entrance at dinala kami sa isang dance studio sa Araneta Center. Malaki at malawak na studio ito. Apatnapu kaming mga kandidata pero maluwag pa din.

Nandito na si Hye Soo. Nakaupo at pinapanuod lang kami. Hindi natuloy ‘yung plano ko kagabi na alamin ‘yung floor number ng suite niya. Naiwan kasi kami ni Chai ng elevator sa kadahilanang hindi na kasya.

Nagpakilala ang isang babae na nagngangalang Georbelle. Bale siya ang magiging trainer namin. Pinusod ko na ‘yung buhok ko dahil mainit dito sa loob ng studio. Naka-fan lang ata ‘yung aircon eh.

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon