Napahiga ako saglit sa sit-up bench. Last round na talaga ‘to. “94… 95… 96…” bilang ko sa isip ko habang pinagpapatuloy ang pagsisit-ups. Ramdam ko na talaga ‘yung muscles ko sa abdomen. “97… 98… 99… 100” Phew!
Umupo ako sa sit-up bench at kinuha ‘yung tubig ko sa gilid. Napatitig ako sa labas ng ceiling-to-floor window sa tapat ko habang umiinom. Kitang kita ko ‘yung kabuoang view ng pool sa baba mula dito sa gym hall ng bahay ni Trevor.
Tumayo na ako at pumunta sa likod ko kung saan kasalukuyang nag-pupush up si Trevor. Dahan dahan akong umupo sa likod niya sabay higa. Patuloy lang naman siya sa pag-push up at parang walang iniindang bigat.
This is his consequence. Mag-iisang linggo na namin ‘tong ginagawa. Couples that work-out together, stay hot together. Kung hindi ako nakalambitin sa harap niya na parang unggoy habang nagpupull-up siya, nakahiga ako sa likod niya habang nagpupush-up.
Pagtapos ko siyang away-awayin sa opisina niya, at mag-usap ng masinsinan sa condo, nagkasundo naman kami agad at nag-sorry din siya.
Bumangon na ako at inabot sakanya ‘yung tubig pagtayo niya. Pinunasan ko naman siya sa noo at leeg habang umiinom siya.
“What are you gonna wear for tonight?” tanong niya habang tinatakpan ‘yung bote ng tubig.
“George gave me a red backless dress.”
“And for the screening?” tanong niya sabay taas ng isang kilay.
Aba, taray nitong boypren ko ah. “A royal blue two-piece.”
He doesn’t seem to be happy with that. Bagay kaya sakin ‘yung kulay na ‘yun. “Just please, commander, make sure you won’t have wardrobe malfunction.”
“Opooo,” sagot ko. Paulit-ulit ‘to. Nung isang araw pa niya sinasabi sa akin na pumili ng swimsuit na may back lock at ibuhol ko daw ng maayos ‘yung mga strap na dapat ibuhol. Baka daw may ibang makakita ng kayamanan niya. Abnormal talaga.
Pagtapos ko mag-ayos at maligo, dala ko ‘yung army jeep ni Trevor saka pumunta sa salon kung saan magkikita kita kami ng mga mentally challenged kong kaibigan. Kinuha ko na si Baby Sci sa shop ni Mr. Tanabe. Pero hindi ko na muna ‘yun gagamitin at itatambak ko muna sa carpark ng condo habang tingin ko hindi pa ‘yun safe at nasa misyon pa ako.
Pagdating ko sa salon, kanya kanyang pwesto sa isang hilera ng sofa ‘yung mga baliw. Umupo ako sa gitna ni Bridge at Gabbie at inumpisahan na akong pedicurean ni ateng red hair.
“Ara Godongwae, our Binibining Filipina for this year,” bulong ni Bridge na nasa kanan ko habang minamanicurean siya. “Taray mo dun, honey! Bring home the crown ah!” excited niyang sabi. “Tapos isasangla ko. Saan bang sanglaan may mababang interes?”
“Gabbie, pinakain niyo ba ‘to?” tanong ko kay Gabbie na nasa kaliwa ko naman.
“Hay nako, kahit anong pakain mo diyan, parating mukhang nalipasan ng gutom ‘yan.”
“Saang hotel nga pala kayo tutuloy, honey?” singit ni Anne na katabi ni Gabbie.
“Hindi ko pa alam eh. Bukas ko pa malalaman pag pinuntahan na namin kung makakapasok nga ako this final screening,” sagot ko.
“Ano ka ba! Syempre pasok ka, ‘no!” matapang na sigaw ni Bridge. “Kaibigan ka kaya namin! Malamang sa ilang taon nating magkakasama sa iisang bahay nahawa na kayo sa kagandahan ko!”
BINABASA MO ANG
Undercover Queen
Action[Book 2 of Undercover Chic] The Undercover Chic is a secretary no more. It won't be pen and gun anymore. Get ready to get hypnotized again. Because this time, we're talking about tiara and gun. Officer Yeo reporting for duty as an Undercover Queen.