Chapter 47

32.6K 756 36
                                    

I look at my watch while tapping my fingers on the table. 9am. Sumikat na ang araw at dalawang oras lang ang tinulog ko. Kinusot ko ang mata ko na gusto ng bumigay. Tumingin ako sa hallway mula sa glass wall sa tapat ko habang humihikab. Kakainom ko lang ng kape pero antok na antok pa din ako. Kanina ko pa hinihintay 'yung agent na in-charge sa investigation tungkol sa cruise ship.

Napaayos ako ng upo ng bumukas na 'yung pinto at pumasok ang isang lalaki. Payat, nakasalamin at naka-jacket ng NBI. May dala dala siyang folder. "Sorry, I'm late," paumanhin nito habang naglalakad palapit.

"It's okay." Tumayo ako para kunin 'yung alok niyang makipag-kamay. "Police Senior Inspector Summer Yeo."

"Agent Marc Briones," pakilala niya. "So, Chief Altamirano sent you today. How can I help you?" tanong niya pagkaupo naming dalawa.

Nilabas ko ang phone ko at binuksan ang voice recorder. "Do you mind if I record our conversation?" tanong ko at pinatong ang phone ko sa mesa.

"No. Not at all," nakangiti niyang sagot.

"Well then, I handle the case about PH's Finest and currently in undercover mission for YHS firearms smuggling. At ayon sa mga nakuha kong impormasyon, mukhang may koneksyon ang dalawang ito. Nabanggit ni Chief na may mga tattoo ng PH's Finest trademark ang ilan sa mga bangkay. Gusto ko sanang malaman ang resulta ng preliminary investigation."

He rests his elbows on the arm rest. "The cruise ship's route is from Japan to Singapore. The night it entered the Philippine coastline, coastguards reported that the people aboard are already dead by gunshots. So this means, the killing happened in international waters and not in Philippine territory." Inilapit niya sa akin ang folder sa mesa.

Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang litrato ng mga duguang lalaki. Mga nakadamit sila ng desente. Suit and tuxedo. Mukhang mayaman at makapangyarihan. Mayroon din mga babae. Mga babaeng nakasuot ng magagarang bestida. Ang isang litrato ay lalaking duguan at nakaupo. Sa tapat niya ang malaki at bilog na mesa na laman ang poker chips at cards. Sa dulo ng mesa nakapatong ang baso at itim na bote ng wine. Hindi ko makita kung anong wine ito dahil kalahati lang ng label nito ang kita sa picture. Kulay ginto ang label.

Ang panglimang litrato ay lalaking nasa morgue table na. Wala siyang suot at bahaging ibaba lang ng katawan ang nakataklob. May tattoo siya sa braso na dalawang diamond at nasa loob ng diamond ay spade; naka linya ito pa-vertical kung nakatayo ang biktima. Sa ibaba ng pangalawang diamond ay nakasulat ang maliit na PHF. A two-diamond rank means Police Senior Inspector. I clearly remember Charles' Deputy Director rank tattoo. "If it happened in international waters, why is it shouldered by Philippine law? The cruise ship came from Japan, isn't it?"

Agent Briones nodded. "The crime happened outside the Philippines. The route is from Japan to Singapore. But the ship is registered here in the Philippines," he explained. "Even though the crime happened in international waters and its route is Japan to Singapore, the country where the vessel is registered will prosecute the crime. Cruise Fifty 48 is registered under Noel Mosqueda, a Filipino Engineer and businessman."

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Cruise Fifty 48. Parang pamilyar. Paulit-ulit kong binanggit sa isip ko ang numero. 50 48. 5, 0, 4, 8. That was Sung Ryeong's room passcode. Noel Mosqueda is Eman Valeros.

"Smuggled firearms were also found aboard. We are still looking for clues if this is a terrorist attack, a gang fight or a foul play," patuloy ni Agent Briones.

"Is Noel Mosqueda also aboard?"

He shook his head. "Different asian nationalities were aboard. Japanese, Koreans, Chinese, Malaysian and Vietnamese. Mostly high-profile people."

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon