Epilogue

44.1K 1K 76
                                    

April 18

Siguro nga sila talaga ang tinakda para sa isa't isa. Nang makita ng prinsipe na masaya ng namumuhay ang prinsesa kasama ang binata, saka siya pumunta sa paraiso ng walang hanggan.


Gyno, alam ko masaya ka para sa akin. Tulad ng kwento mo tungkol sa prinsipe at prinsesa, nagdaan ang pagtupad ko sa pangarap mo para matagpuan ko siya. Maraming salamat. Maraming salamat sa pagmamahal na pinaramdam mo sa akin.

Inayos ko ang suot kong aviator shades habang minamaneho ang army jeep na ngayon ay bridal car ko. Kahit pa ang bigat ng suot kong long sleeves lace gown, tiis ganda lang para sa pinakamahalagang araw ng buhay ko.

Lumipas ang isang taon at mahigit matapos ang proposal ni Trevor. Hindi lang para paghandaan ang kasal, kundi para na din bigyang respeto ang unang babang luksa ni Tita Mary.

Napalingon ako sa shotgun seat ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko. I guess it is another wedding message. Umilaw ang screen at lumabas ang screen lock background ko na litrato ng baby boy na nakadapa at natutulog ng mahimbing.

Sebastian Theodore Y. Del Julio. Our baby Seth. Our first baby boy.

He is six months as of now. Healthy and a jolly baby. Laging nakabungisngis. Nakuha niya ang mata ni Trevor at kulay naman ng buhok ko.


Tinapakan ko ang brake ng aking sasakyan sa tapat ng malapad at mataas na bricked porch stairs ng chapel-like building. Pinatay ko ang makina, tinanggal na ang shades saka bumaba na. Sinalubong ako ni Bridge, Gabbie at Anne na suot ang satin gray nilang gowns at dala dala ang bouquet at belo na nakakabit sa police hat. Inabot na sa akin ni Gabbie ang bouquet at tinulungan ako sa paglabas ng buntot ng gown sa loob ng sasakyan. Matapos ay sinuot ko na ang police hat sa ulo ko habang parehas na inayos at sinaklob ni Bridge at Anne ang veil sa akin.

We started to walk towards the end of the stairs of the chapel-like building. Isa isa ko silang hinalikan sa pisngi. Nang maiayos na ang buntot ng gown ko ay iniwan na nila ako mag-isa.


Umakyat ako sa mataas na bricked-stairs patungo sa loob ng building. Ang loob ay main lobby ng Caleruega. Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad hanggang makalabas sa kabilang dulo.

Paglabas ko ay sinalubong ako ng preskong hangin. Sinimulan kong lakarin ang mahabang brick walkway, at the center of the lush trees, paakyat sa tuktok kung nasaan ang Transfiguration Chapel.

As I walk towards the beautiful and breathtaking sight of the brick Chapel atop, I remember the conversation I had with Charles.

"Hindi ako nagsising si Eman ang pinili kong barilin at hindi ikaw. Kahit pa ang kapalit pala ng ginawa ko ay ang buhay ni Rin. Hindi dahil ginusto kong mamatay siya. Kundi mas pipiliin kong mawala na lang siya kaysa sumama sa amin ni Eman dito sa loob ng kulungan sa kadahilanang pagsang-ayon niya sa mga plano ng kapatid niya para lang pakasalan ko siya. Mahal ko si Rin. At hindi ko kayang magdusa siya dito sa loob dahil sa mga pagkakamali namin ng kapatid niya." As I look into his eyes while he explains his side, I know the goodness deep inside him is still there. "I wish you happiness, Summer. I want you to know that I am sorry. I am sorry for everything that I have done." And before I decided to leave, he looked at me with pleading eyes and said, "Tell Kuya and the family of Stephen Devenecia that I am sorry. I know my sorry can't make any difference and it won't get Stephen's life back. But it's the least thing that I can do. Tell Kuya I won't be able to face him until I have already forgiven myself... and... say hi to Seth for me."

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon