Chapter 19

30.4K 724 17
                                    

        Napasilip ako sa bintana ng taxi ng matanaw ko na ‘yung façade ng Hotel 8072. Bungad ang mataas at malaking fountain sa entrance ng driveway papunta sa main door ng hotel.

        Sinalubong kami ng bellboy pagbukas ko ng pinto ng taxi. “Welcome to Hotel 8072, Ma’am.”

        Sumunod namang lumabas si Chai ng taxi. “The luggage is at the compartment,” sabi ni Chai sakanya.

        Tuloy tuloy kaming pumasok ni Chai sa loob ng hotel.

        This looks like a five star hotel. A fvcking five star hotel times five more. Mapapabagsak ang panga mo sa ganda ng lobby. The lobby is just classically beautiful.

        The whole place looks like it’s made of marble. May mga dark red sofas and couches with tables sa magkabilang side ng lobby. Sa right side nakapwesto ang isang stage at may kasalukuyang tumutugtog ng piano. Sa aisle ay nakalatag ang mahabang red carpet papunta sa apat na gold elevators sa dulo.

        Pumunta kami ni Chai sa left side ng lobby kung saan nandoon na ‘yung ibang mga kandidata. Saktong dating din ng isang receptionist. “Good morning, Binibinis! My name is Maria and welcome to Hotel 8072. Bringing you the finest things in life!” buhay na buhay niyang bati sa amin. “First and foremost, I would like to congratulate all of you for making it as an official candidate of Binibining Filipina.”

        Nagpalakpakan ang mga kandidata.

        “Now, before we accompany you to your respective rooms, let me just formally introduce you one of the owners of the hotel and new sponsor for the Binibining Filipina Charities…” napatingin siya sa gilid niya na sinundan din namin ng tingin. Isang babae ang naglalakad papunta sa amin. “Mrs. Maurin De Venecia.”

        Gasps! Agad akong napaurong at napatago sa likod ng katabi kong kandidata. Si Rin!

        Nilingon ko agad si Chai sa likod ko. “Restroom lang ako ah. Text mo na lang ako saan ‘yung room.” Saka dali daling naglakad palayo at pumunta sa may elevator.

        Napansin ko ‘yung restroom sign sa may right wing malapit sa elevator at doon na lang tuloy tuloy na naglakad. Lumingon ako sa pwesto ng mga kandidata, “Ah!” at agad din namang napatingin sa harap ko ng may mabunggo. “Sorry.”

        “Ano ba!” sigaw sa akin ng isang mestiza at matangkad na babae. “Watch where you’re going, bitch!”

        Nagpintig bigla ‘yung tenga ko sa narinig ko. Lumingon ako sa likod at magkabilang gilid ko. “Excuse me, who you calling a bitch? I ain’t see any mirror around here,” mataray kong sabi sakanya.

        “What did you just said!?” Binigyan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

        “That’s right, take time to take look at the beauty in front of you,” I said to her with a smirk then walked past beside her.

        Pumasok ako sa restroom at nag-ayos na lang ng buhok. Kaasar. Kagandahan nga  ugali naman kabaligtaran ng itsura niya. Mas lalong pinag-iinit ‘yung ulo ko.

        Kinuha ko sa bulsa ko ‘yung phone ko ng maramdamang nag-vibrate ito. Nagtext si Chai na nasa 18th floor daw siya at 1818 ang room number ko.

        Paikot ikot ‘yung tingin ko sa lobby ng makalabas ng restroom hanggang sa makasakay ako sa elevator.

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon