“O Jo kaluguran daka. Kaluguran sobra sobraaaaa!” makabasag eardrums na kanta ni Lola Aning sa likod ko. Napapangiti ako dahil kanina pa birit ng birit kung kumanta si Lola. Namimiss ko tuloy mga kaibigan ko.
Pabalik na kami ngayon sa kubohan. Sumama kasi ako sakanila kumuha ng mga gulay na lulutuin para sa tanghalian.
“Kailan niyo ba balak magpakasal ni Trevor, Hera?” Siniko ako ni Lola Carling na kasabay kong maglakad.
Napatingin ako sakanya at napangiti na lang uli. “Wala pa po sa plano namin ‘yun, Lola. Matatagalan pa.”
“Haru dyusme. Hano ba kasing iniintay ninyo?”
Napakibit balikat lang ako. Wala naman akong hinihintay eh. Ang sa akin lang naman, may mga bagay na dapat munang asikasuhin ngayon.
Tinanggal ko na ‘yung tsinelas ko at hinawakan na lang ‘to dahil patawid na uli kami sa may ilog. Kanina kasi hindi ko tinanggal ‘yung tsinelas ko, natanggal at muntik pang anudin.
Maligamgam ang tubig paglusong namin. Sarap sa pakiramdam. Sarap magbabad na lang dito kahit pa mabato. Dahan dahan ang lakad ko dahil baka matapilok o madapa ako. Hindi kasi pantay pantay ‘yung bato. Ang hirap maglakad.
Malapit na ako sa dulo ng bigla akong makaramdam ng hapdi sa may paa ko. Hindi ko na lang ‘yun pinansin at nagtuloy tuloy na lang sa paglalakad. Pag-ahon ko sa tubig, susuotin ko na ‘yung tsinelas ko ng mapansing may dugo malapit sa hinlalaki ng kanang paa ko.
Kaya pala mahapdi. Nasugat siguro dahil sa bato. Hinayaan ko na lang at sinuot na ‘yung tsinelas ko.
“Hanong nangyari diyan, ia?” alalang tanong ni Lola Aning.
“Nagasgasan lang po sa batuhan. Okay lang po. Hindi naman masakit,” sagot ko sakanya at nagsimula na uling maglakad. Napaika-ika ako dahil masakit kapag nadidiinan sa malapit sa hinlalaki.
“Hanong nagasgasan? Nadugo nga hang hiyong paa.”
“Malayo po sa bituka ‘yan, Lola.”
“Hay baka mayari tayo kay Trevor niyan. Sabiin kung saan saan ka namin dinadala tapos pagbalik sakanya he ganyan na hang nangyari saiyo.”
Bakit po makukulit ang mga lola? Ganun ba talaga pagtumatanda na? “Lola, okay lang po ako. Hayaan niyo ‘yung si Trevor. Sugat lang sa paa ‘yan.”
“Hay indi. Kung hikaw ba may nangiram sayo ng gamit, hat binalik sayo he puro gasgas na, hayos lang sayo?”
Napatingin ako sakanya at napailing.
“Kita mo na? Ganun din pagbinalik ka namin kay Trevor.”
Haruuu dyusme! Paulit-ulit naman tayo, Lola. Ayos lang kasi ako eh.
“Mekeni,” aya niya sa akin. “Bilisan na natin hat ng malinis natin ‘yang sugat mo. Baka maimpeksyon pa.”
Pagdating namin sa may kubohan, pinadiretso ako ni Lola Aning sa kubo ni Lola Carling. Hintayin ko daw siya doon at ilalagay niya lang ‘yung mga gulay sa kubo niya.
Papunta na ako sa kubo ni Lola Carling ng makasalubong ko si Trevor. Sinubukan kong iayos agad ‘yung lakad ko sabay ngiti.
Agad naman siyang napatigil ng lakad at tinignan ako. Tumigil ako sa paglalakad at mas nilawakan lang ‘yung ngiti ko. “Hi, boss!”
BINABASA MO ANG
Undercover Queen
Action[Book 2 of Undercover Chic] The Undercover Chic is a secretary no more. It won't be pen and gun anymore. Get ready to get hypnotized again. Because this time, we're talking about tiara and gun. Officer Yeo reporting for duty as an Undercover Queen.