Nilipat ko ang pahina ng hawak kong brochure at napunta sa section ng mga baby cribs. Prenteng nakaupo ako sa couch ng living room nila Papa habang suot ang police uniform ko. Sabay sabay kasi kaming pamilya na nag-brunch ngayon. Hindi nakasama si Anne, Paulina at Trevor. Si Anne inasikaso 'yung project niyang condo sa may BGC, si Paulina ay nasa ibang bansa para mag-host ng Asia's Next Top Model samantalang si Trevor naman ay may kinausap na bagong shareholder ng kakaumpisa palang nilang charter airline company.
"Nakapili ka na ba?" tanong ni Tita Dione na kakaupo lang sa tabi ko.
"Kanina may mga napili na akong feeding bottles. Last na 'tong sa crib," nakangiti kong sagot.
"Babae ba o lalaki?"
"Ang sabi babae. Kaya halos karamihan ng pinili ko ay kulay pink."
Dumekwatro si Tita at nakitingin sa brochure na hawak ko. "Sana sa nanay mag-mana at hindi sa tatay. Nako, baka maging loko loko kung babae 'yun," biro ni Tita.
Natawa ako sa sinabi niya. Sana nga sa nanay mag-mana.
"Teka, ako ba pinag-uusapan niyo?" biglang singit ni Kuya Avel mula sa likod namin.
Nilingon siya ni Tita at sinagot, "Assumero ka naman. Sabi ko sana kay Anne mag-mana ang anak ninyo. Ang hirap mo kayang alagaan nung bata ka pa. Napaka-pilyo."
Umupo si Kuya sa sandalan ng inuupuan naming couch at pinatong ang kamay sa ulo ko. "Grabe ka naman, Tita. Ang bait bait ko kaya noon. Baka naman si Marvs 'yung tinutukoy mo. Pero kung mayroon mang masama sa aming magkakapatid, walang iba 'yun kundi si Summer!" Ginulo gulo niya ang buhok ko sabay tawa ng malakas.
"Kuyaaaa!" Hinampas ko nga ng brochure sa tiyan. "Ipagdadasal ko talagang walang makuha sayo 'yung pamangkin ko!"
"Kayo talagang mga bata kayo," suway sa amin ni Tita.
"Bata!" angal ko. "Mag-tetrenta na 'yang damulag na 'yan oh!" Parehas kaming nag-make face ni Kuya sa isa't-isa.
"Nagkakagulo ata kayo dito," biglang pasok ni Papa.
Inakbayan ako ni Kuya Avel at nilagay ang tuktok ng ulo ko sa kilikili niya. "Namiss ko lang asarin 'yung baby sis kong beauty queen na."
"Kayong dalawa talaga. Tumayo na kayo diyan. Nasa sasakyan na si Marvs," aya sa amin ni Papa. Nagsitayuan na kami at sumunod kay Papa palabas.
Dumiretso ako sa white army Jeep Wrangler na nasa tapat ng black Audi R8 ni Kuya Marvs. Bago ako sumakay ay humalik ako sa pisngi ni Tita Dione at Papa. Ihahatid sila ni Kuya Marvs para umattend ng mass at si Kuya Avel naman ay pupuntahan si Anne sa site. "Mag-ingat sa pag-ddrive ha," paalala ni Tita.
"Yes, Tita." Kumaway ako kay Kuya Avel at Kuya Marvs na parehas nakadungaw sa driver's seat ng mga sasakyan nila saka sumakay na sa Jeep.
I started the engine then drove off the driveway towards the gate.
Hindi na pinagamit sa akin ni Trevor si Baby Sci. Spoiled girlfriend here. He bought me this Army Jeep Wrangler instead.
Three months have passed. Kumbaga sa movie ng One More Chance, tapos na ang three-month rule ng pag-momove on ko sa mga nangyari noong Binibining Filipina pageant.
The case about PH's Finest, Hotel 8072, Cruise Fifty 48, YHS firearms smuggling and New Bilibid prison was finally closed. Eman Valeros, Charles Del Julio and Luna Fuente are now behind the bars of Bilibid 19 of NBI together with Kevin Carro. Kasama din nila si Georgio Araneta at iba pang high-profile inmates kabilang sina Mr. Yam at mga kasamahan niya na nasangkot sa New Bilibid prison scandal.
BINABASA MO ANG
Undercover Queen
Action[Book 2 of Undercover Chic] The Undercover Chic is a secretary no more. It won't be pen and gun anymore. Get ready to get hypnotized again. Because this time, we're talking about tiara and gun. Officer Yeo reporting for duty as an Undercover Queen.