“Boooss, stop over ah!” sigaw ko kay Trevor habang dinuduyan ang sarili sa shotgun seat.
“Oo na. Oo na,” pang-limang beses na ata niyang sabi sa akin. Bago pa lang kame makapasok ng NLEX ramdam ko ng naiihi na ako. Konti na lang sasabog na ‘yung pantog ko.
“Itabi mo na lang kaya diyan. Sa damuhan na lang ako iihi.”
Tinignan niya ako ng masama. “Ano ka five-year old?”
“Naiihi na kooo!”
“Malapit na ‘yung Shell.”
Pagka-park na pagka-park niya, tumakbo agad ako palabas at dumiretso sa restroom. Buti at walang pila.
Bago bumalik sa sasakyan naisipan ko munang bumili sa coffee shop dito. Nag-ccrave ako sa donut at frappe. Umupo muna ako para hintayin ‘yung order ko ng mapansin ‘yung babaeng nasa tapat ko.
Maputi, maitim na buhok na hanggang balikat at mukhang haponesa. Pakiramdam ko nakita ko na siya dati eh. Tinitigan ko siya at inalala kung saan na ba kami nagtagpo. Buti busy siya sa binabasa niyang libro kundi na-creepyhan na ‘to sakin.
Hanggang sa binababa na niya ‘yung libro niya at binuksan niya ‘yung laptop niya. Doon nakita ko ‘yung sticker ng pangalan niya sa laptop. Rin.
I knew it. Sabi na nakita ko na siya eh. Maurin Sato Valeros sa pagkakatanda kong pagpapakilala niya sa akin. ‘Yung kapatid ni Eman. ‘Yung fiancée ni Charles dati.
Tumayo ako at lumapit sakanya. “Hi,” mahina kong bati sakanya.
Inangat niya ang ulo niya at tinitigan ako. “Era?”
Napangiti ako. “You remembered me.”
“Of course. Aren’t you the friend of my brother and… Charles?”
Napatango ako. “May I take a seat with you?” tanong ko sabay tingin sa upuan sa tapat niya.
“Sure.”
“I’m sorry to what happened to your brother and Charles,” sabi ko pagkaupo.
Binigyan niya ako ng tipid na ngiti. “Well…mag-two two years na din. Malapit na ang death anniversary nila.”
“Did you know all along? Their business?”
She sighed and looked down at her laptop. “No,” mahina niyang sagot.
“Aren’t you supposed to follow them or be with them when they planned to fly to Vietnam?”
Napatitig siya sa akin. “How did you know?”
I return her stare. “I heard their plans when we were hanging out for the last time,” alibi ko.
“Yes,” sagot niya. “We were supposed to meet at Vietnam. Ang sabi ni Kuya pupunta kami doon para magbakasyon, at kapag nagustuhan niya, we’ll settle there for good. Actually, nauna akong lumipad sakanila. I waited for them. And weeks have passed, saka ko lang nabalitaan ang nangyari sakanila. Ang lahat ng nangyari.”
Napatingin ako sa kamay niyang nakapatong sa mesa. Another ring is on her ring finger. “You’re married?”
Nginitian niya ako at tumango. “Yes.”
BINABASA MO ANG
Undercover Queen
Action[Book 2 of Undercover Chic] The Undercover Chic is a secretary no more. It won't be pen and gun anymore. Get ready to get hypnotized again. Because this time, we're talking about tiara and gun. Officer Yeo reporting for duty as an Undercover Queen.