Chapter 1

74K 1.2K 52
                                    

        Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin habang sinasara ni Tita Dione ‘yung zipper ng suot kong puting gown. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. “You look beautiful. As always,” she smilingly said to me. “I’ll just go to the restroom.” She squeezed my shoulders then turned on her heel.

        Tinignan ko uli ‘yung newspaper na nakapatong sa vanity dresser. Inheritor of one of the top construction firm in the Philippines is set to tie the knot. Muli akong napangiti.

        Napalingon ako agad ng makita sa salamin na bumukas ‘yung pinto. Dahan dahang pumasok si Trevor na palingon lingon sa paligid. The white barong and black pants suits him.

        “What are you doing here? You’re not allowed here,” nanlalaking mata kong sabi sakanya.

        “I miss you. I haven’t seen you in twenty-four hours,” pabulong niyang sabi habang papalapit sa akin.

        “You are not allowed here. You should be in the church now.” Hinawakan ko siya sa dibdib at tinulak tulak paurong. “

        “Didn’t you miss me?”

        Nag-cross arms ako at inikutan siya ng mata. “Boss, magkikita din naman tayo mamaya sa simbahan.” Binuksan ko na ‘yung pinto na nasa likod niya at pinagtutulak siya palabas.

        Hinawak niya ‘yung magkabilang kamay niya sa pintuan. “Wala bang kahit isang kiss diyan?”

        “Hindi ka talaga makapaghintay?”

        Nagpout siya bigla at binaba ‘yung mukha niya sa akin.

        Halaaa. Ang cuuute. “Ang cute mo alam mo ‘yun?” nakangiti kong tanong sakanya.

        “Talaga?” tuwang tuwa niyang tanong.

        “Oo,” bulong ko sabay kurot ng npples niya. “Ang cuuute! Cute mooo!”

        “Araaay!” agad niyang sigaw.

        Hinampas ko naman siya agad sa braso. “’Wag kang maingay. Marinig ka ni Tita Dione.”

        “Paano ako hindi sisigaw!? Eh ki-“

        Tinakpan ko agad bibig niya. “Ang ingay mo talaga eh noh.”

        Mabilis niyang tinanggal ‘yung kamay ko. “Commander, police brutality na ‘tong ginagawa mo sa akin ah.”

        “Lumabas ka na kasi. Alam mo namang hindi ka pwede dito eh.”

        “Parang isang k-“

        Hindi ko na siya pinatapos at mabilis ko ng hinablot ‘yung ulo niya para ibigay ‘yung hinihingi niya. Kakalagay lang ng lipstick eh. Kahit kailan talaga ‘tong lalaking ‘to. Gusto palagi kong nirarape. Hinawakan niya ako sa bewang at hinila palabas ng kwarto. Mas diniinan ko ang paghalik sakanya at sinandal siya sa pader paglabas namin.

        “Ehem. Ehem.” Bigla kaming naghiwalay sa narinig namin. Nagulat ako ng makita si Anne sa tabi namin. Salitan niya kaming tinignan. “Hindi lang makapaghintay hanggang sa matapos ang kasal?”

        Napalunok. “Hehe.”

        “Hayok na hayok lang?” mataray nitong tanong sa amin.

        “Anne-“

        “Hindi! Hindi!” Hinarang niya sa mukha ko ‘yung palad niya. “Alam niyo mang-aagaw kayo ng moment eh.”

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon