Dahil nag-champion ang aking mahal na paaralan, walang makapipigil sa kasiyahan ko miski departmental exam namin at pasahan ng baby thesis sa Bio mamaya para magsulat ng update. Congratulations, National University Bulldogs UAAP Season 77 Men’s Basketball Champion! Heeeeeeey NU, Let’s go!
- - -
Feel na feel ko ‘yung Check Up On It ni Beyonce, wearing my red crop top jogging suit, habang nag-jojogging dito sa riverbanks. Inayos ko ‘yung earphones sa kaliwang tenga ko dahil matatanggal na.
Aayain ko sana si Trevor kanina na samahan ako, kaso naunahan ako ni Kuya Marvs. Babangon pa lang kasi kami ng kama tinawagan na siya ni Kuya. May aayusin ata sila para sa Artography.
Naisipan kong mag-jogging at magbalik loob sa pag-eexercise. Feeling ko kasi medyo tumataba ako. Mamaya hindi pa ako makapasok sa final screening ng Binibining Filipina. Saka na ako lalamon ulit kapag sure na candidate na ako.
Medyo binilisan ko ‘yung pagtakbo ko ng maaninag na may tumabi sa akin na lalaki. Hindi ko siya nilingon at patuloy lang sa pagtakbo. Kaso mukhang hindi nakaramdam ang mokong at pumunta sa harap ko sabay jogging ng patalikod.
Kamukha niya si Mr. Clean. Hay nako, koya, pag di ka umalis sa harap ko ihahagis kita sa Marikina River.
Nagsasalita siya pero hindi ko naman rinig. Sorry, talo ka ng boses ni Beyonce. Inirapan ko siya sabay liko at lagpas sakanya. Tse!
Nang hindi ko na siya maaninag sa gilid ko, naramdaman ko namang panay ang lingon sa akin ng mga kababaihan. Ganun ba talaga ako kaganda at magpakita lang ako ng tiyan habang nag-jojogging natitibo na kayo sa akin?
Napabilis ulit ako ng takbo ng maaninag na namang may tumabi sa akin. Hindi ba talaga marunong makaintindi ‘tong si Kuya na wala akong balak kausapin siya kaya please lang layuan niya ako!?
Bigla akong tumigil sa pagtakbo at hinatak ‘yung isang earphones ko sabay lingon sakanya. “Ano ba! Hin-!?” natigil din ako agad sa isisigaw ko ng makitang hindi si Mr. Clean ‘yung katabi ko. “Boss?”
Tinanggal niya din ‘yung earphones niya. “Why?”
Tinignan ko ang outfit niya. A gray sando and black jogging shorts. Ang yummy biceps labas na labas. So that explains bakit feeling ko nagtitinginan ‘yung mga babae sa akin. Tsh. Sa katabi ko pala. Akala ko ba may lakad sila ni Kuya Marvs. “Bakit nandito ka?”
“Ayaw mo ba?”
“Ha? Syempre hindi. Pero akala ko may gagawin kayo ni Kuya Marvs.”
“Mabilisang meeting lang ‘yun.”
Inumpisahan ko na uling tumakbo at ganun din naman siya.
Nakaramdam naman ako ng inis ng mapansing pinagtitinginan pa din siya nung mga babaeng makakasalubong namin. Aba! Hellooo, girlfriend heeere! Get your fcking eyes off my man! “Sa susunod nga ‘wag ka ng sasama sa akin mag-jogging,” sabi ko sa katabi ko.
Napalingon siya sa akin. “Why?”
“Basta. Kung gusto mo mag-exercise dun ka sa mansion mo mag-jogging. Lakilaki naman nun eh,” mataray kong sabi.
Natawa lang siya sa sinabi ko. “Are you jealous?”
Mabilis ko siyang nilingon. “Hindi.”
BINABASA MO ANG
Undercover Queen
Action[Book 2 of Undercover Chic] The Undercover Chic is a secretary no more. It won't be pen and gun anymore. Get ready to get hypnotized again. Because this time, we're talking about tiara and gun. Officer Yeo reporting for duty as an Undercover Queen.