Chapter 56

24.5K 574 18
                                    

Hindi man lang ako nakapagpaalam sakanya. Basta ko na lang siya iniwan. Parang kanina lang magkasama pa kaming naglalakad sa tabing dagat. Ngayon nasa himpapawid na ako.

Nakatitig ako sa mirrored-ceiling ng eroplano habang nakahiga sa couch at katabi ang tulog na Trevor. Ginawa niyang unan ang dibdib ko at mahigpit akong yakap gamit ang isang bisig. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sakanya at nilapat ang pisngi ko sa ulo niya. Para akong ewan dito na nakakaramdam ng guilt kung bakit hindi ako nagpaalam kay Hye Soo bago umalis.

Ano kayang mararamdaman niya 'pag pinuntahan niya kami mamaya sa kwarto namin tapos malaman na wala na kami? Excited na excited pa naman siya sa mga kinukwento niya kagabi na pupuntahan namin.

Napailing ako. Aaaysh! Bakit ko ba iniisip 'yun! Wala pa ngang isang araw kaming magkasama pero nakuha na niya ang loob ko. Wait. What am I talking about?

But seriously. No homo. Hye Soo has a lovely personality. Madaldal pero ang sweet ng boses. Palagi pang nakangiti. Sa galing niyang makisalimuha at makipag-usap, no wonder napalago niya ang business niya sa Japan. Ayun ang pinagkaiba nila ni Sung Ryeong. Sung Ryeong tends to be more of a serious type person.


Serious type Sung Ryeong. Napatingin ako sa TV na nakabukas pero wala namang marinig sa sobrang hina. Syempre baka magising baby boy ko. Himbing himbing na ng tulog eh.

Mayroon pa akong sampung oras para magmunimuni. Back to serious type Sung Ryeong. Napaaga ang Throwback Thursday ko kahit Wednesday pa lang ngayon sa kakaisip ng mga mixed clues na binigay sa akin ni Sung Ryeong.


Simulan natin sa pamilya niya.

'Yung pagkikita namin sa parking lot ng The Medical City. Nabunggo niya ako noon. Hinding hindi ko malilimutan 'yun dahil jinombag ako ng airbag ko kasi nasa maling lane siya at paliko ako sa direksyon kung nasaan siya. Dahil sa insidenteng 'yun, niyaya pa niya akong kumain sa labas. Nabanggit niya sa akin noon na may anak siyang lalaki. Kasabay ng insidenteng 'yun, lumabas ang balitang may mga preso sa bilibid na imbis sa loob ng selda namamalagi ay nasa loob ng kumportableng silid ng hospital. Kabilang sa listahan ang mga intsik na drug lords at si Kevin Carro. Dahil sa balitang 'yun, inalam ko talaga kung sino ang pinupuntahan niya sa hospital. Which turns out na si Yam Xiu pala. Kaya tuloy napa-search ako sa background ni Mr. Yam na pinasok ko pa ang bahay. Saka ko naman nadiskubre na asawa siya ni Yam Xiu pati ang itsura ng anak niya.

Itong sumapit na death anniversary ng anak niya, kasabay namin siya sa may SLEX. Malamang sinasadya niya talagang sabayan kami noon at nung bandang SLEX ko lang napansin ang sasakyan niya. She leads me to her son's grave.

Ang pagkikita namin ni Hye Soo. Binalikan ko ang tagpo ng gabing nalaman ko na pupunta si Sung Ryeong ng Brazil. Todo laklak siya sa beer habang nagkakasiyahan sa gazebo kaya inatake siya ng sakit niya. Nagpasama pa sa akin sa kwarto niya ng makasalubong ko siyang hinang hina sa hallway. Pinakuha ako ng gamot sa bag at tinaktak ang bag hanggang sa malaglag lahat ng gamit niya sa kama. Then, boom, saw her itinerary receipt. I even saw her passport. And of course, the address of Hotel Hae Inn inside the passport.

Siya na mismo nagpapakilala sa akin sa pamilya niya.


Next is PH's Finest.

Talagang kinuha pa niya si Charles bilang official Chef at dietitian ng candidates. Sato Hotel, na pagmamay-ari na ni Eman Valeros a.k.a Noel Mosqueda, ang pinili niyang pagtuluyan ng candidates and staffs ng pageant. Si Noel Mosqueda na sinabi niyang fiancé niya. Kaya pala bigla na lang siyang nagkwento patungkol kay Noel Mosqueda noong sinabay niya ako papunta sa training. Nabanggit pa niya 'yung Cruise Fifty 48 na pagmamay-ari din ni Mosqueda.

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon