Chapter 61

28.1K 712 48
                                    

 Inayos ko ang police hat ko at lumuhod ng isang tuhod sa tapat ng apat na taong gulang na lalaki. Sinintas ko ang kanang sapatos niya. Ang kyut kyut ng paa niya. Halos kalahati lang ata ng kamay ko. Matapos ay tinaas ko ang khaki shorts niya at plinantsa ang manggas ng puting polo shirt gamit ang kamay ko.

 Nakangiti ko siyang tinitigan. Ang gwapo gwapo talaga ng anak ko. Kuhang kuha niya ang kulay ng mata ng tatay niya. My mini Trevor. Ang nakuha nga lang ata niya sa akin ay ang kulay ng buhok ko. Pag laki nito, madaming babae 'tong paiibigin.

 Tumayo na ako at kinuha ang maliit niyang kamay. Muli kaming naglakad sa sidewalk ng playground sa aming tinitirahang subdibisyon. Nakakailang hakbang pa lang kami ng maramdaman kong pilit niyang tinatanggal ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. "Baby, humawak ka ng mabuti kay Mommy," paalala ko sakanya.

 "Pero, Mommy," tinuro niya ang malawak na playground sa aming gilid. Ang mga batang naglalaro ay puros may malalawak na ngiti sa kanilang mga labi. Para silang mga anghel dahil lahat sila'y nakaputi. "Gusto ko po sila kalaro."

 Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ng aking anak. "Sa bahay na lang tayo maglaro, baby. Tayong tatlo na lang nila Daddy ang maglalaro."

 "Pero, Mommy, gusto ko po doon." Muli niyang hinatak ang kamay niya sa akin. He raised his head to look at me and gave me his pleading eyes. "Babalik ako, Mommy, promise!" Tinaas niya ang isang kamay habang nangangako.

 Bumuntong hininga ako at lumuhod sa harap niya. "Gusto mo ba talaga sila kalaro?"

 Binigyan niya ako ng malawak na ngiti at sunod sunod na tango. "Opo, Mommy."

 I cupped his little cheeks and stare at his chestnut brown eyes. "Babalik ka, ha?"

 He closed the space between us and wrapped his arms around me. "Promise, Mommy." Pagkakalas niya ay binigyan niya ako ng halik sa pisngi. "Payag na po ba kayo?"

 Tumango ako at binigyan siya ng tipid na ngiti. Muli kong hinawakan ang maliit niyang kamay at hinalikan ito.

 "Thank you, Mommy!" he said then finally pulls his hands off mine and run towards the playground.


Idinilat ko ang mata ko at tumambad sa akin ang puting kurtina ng bintana sa harap ko. Kinusot ko ang mata ko gamit ang kaliwang kamay kong may nakaturok na IV. Tinungkod ko ang siko ko sa kama para umupo. Tinignan ko ang digital clock sa itaas ng bintana.

2:30pm.

Napatingin ako sa kaliwa ko ng mag-umpisang humilik si Gabbie. Tig-isang couch sila ni Bridge sa receiving area ng kwarto.

Mag-tatatlong oras din pala akong nakatulog. At mag-tatatlong oras na ding wala si Trevor sa tabi ko.

Pagkagising ko kaninang tanghali ay siya ang sumalubong sa akin. Todo asikaso siya sa akin sa pagkain ng tanghalian. Pagtapos ay dumating na ang doktor para kausapin ako.

"We're sorry to tell Ms. Yeo and Mr. Del Julio, but the embryo was unable to survive the accident..."

Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung may dapat bang sisihin o kung kasalanan ko ba ang nangyari. Kasi wala naman ni isa sa amin ang nakakaalam na may dinadala na pala ako.

Kung alam ko lang na hindi lang pala ako ang mag-isang lalaban nung gabing 'yun. Kung alam ko lang na hindi lang pala buhay ko ang ibubuwis ko. Ginawan ko sana ng paraan na hindi mangyari iyon.

Bumaba ako sa kama at hinawakan ang IV pole. Hinila ko ito at naglakad papunta sa pintuan. Pagbukas ko ng pinto, sa dulo ng hallway, nakatayo ang isang lalaki na nakaharap sa floor to ceiling window ng hospital at pinapanood ang makulimlim na ulap na nagbubuhos ng malakas na ulan mula sa labas. Nakapasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon, seryoso at malalim ang iniisip.

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon