Chapter 53

24.8K 680 37
                                    

The cabin is multi-purpose. There is a section, where I am comfortably sitting, which has four-seater sheepskin couch facing a flat screen HDTV and a section where there's a chess table with four leather seats.

There is also a place where you can just chill and have a sip of your coffee or on the rocks. It has four plush leather reclining chairs and a mirrored ceiling which gives the plane an illusion of bigger space. The dining hall has an oval marble table with six seats. Even the exquisite design of the large bathroom impressed me. At the end of the cabin is the boardroom hall where Trevor is currently having a video meeting.

Napalingon ako ng maramdamang may umupo sa tabi ko. Mabilis niya akong inakbayan at kinulong sa bisig niya. Wala naman akong magawa kundi dumausdos papunta sakanya. Harot! Napatingin siya sa pinapanood ko sa TV.

"We're going on a trip in our favorite rocketship! Zooming through the sky! Little Einsteins!"

"You're watching a cartoon," he said in a skeptical tone.

"Whaaat?" angal ko. "The series show art and music appreciation."

"This cartoon looks like its target audience are preschool children, commander," sabi niya sabay turo ng kamay sa TV.

"We're going on a mission. Start the countdown. 5, 4, 3, 2, 1!"

"Bakit baaa?" muli kong angal. "Wala namang batas na nagbabawal na manood ang matatanda ng cartoons ah."

"Lipat natin." Hinanap niya 'yung remote sa couch habang akap akap pa din ako.

"Ayaw!" Agad kong hinawakan 'yung remote sa tabi ko at tinago ito sa likod ko.

"Lipat na natin!" Inabot niya 'yung likod ko gamit isang kamay. Pilit ko namang kinalas 'yung pagkakayakap niya pero mas niyakap niya lang ako ng mahigpit gamit ang dalawang bisig.

"Ayaw ko nga kasiiii!" Sinubukan kong umurong palayo sakanya kaso napahiga ako sa couch. Hindi niya tinanggal 'yung pagkakayakap niya kaya pati siya nasama sa paghiga ko at pumaibabaw sa akin.

Parehas kaming natigil at nagkatinginan. "Commander, if you want me to be on top of you, you've just gotta ask because I'd be willing to. No need to hide the remote control," he said with a smug.

"Hoy! Ang kapal ah!" Bumangon ako at tinulak siya palayo gamit siko. Syempre pakipot konti. Kahit na ang bango bango at sarap amuyin ng bebe ko.

Tinignan niya lang ako habang tumatawa. Sayang saya sa kalokohan niya. "Akin na remote ko."

"Ayoko!" sigaw ko sabay layo ng upo.

"Remote ko 'yan eh!"

"Walang sayo, boss! Akin lang ang remote na 'to!"

"Okay," kalmado at nakangiti niyang sagot. Umayos siya ng upo at dumekwatro. Inangat niya ang isang kamay niya at kala mo may pinapaalis sa harap niya.

Tumingin ako sa harap, 'yun pala nililipat na niya 'yung channel. Tsh! "May motion sensor naman pala TV mo kinukuha mo pa sa akin 'yung remote!"

"Gusto mo lang umibabaw ako sayo eh," mayabang niyang sabi.

"Grabe ka!" sigaw ko sabay ayos na din ng upo. "Paano mo nalaman?" dugtong ko.

Tumawa siya at inakbayan na ako ulit. Hinila niya ako palapit sakanya sabay hipan sa tenga ko.

"Eeeeh!" napatili ako sa kiliti. Ano baaa. Kinurot ko nga sa tagiliran.

"Aw! Masakit!" Napahawak siya sa kinurot ko.

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon