Chapter 29

25.6K 601 25
                                    

Baby, I’m preyin’ on you tonight…

Hunt you down eat you alive…

Just like animals…

Animals… Like animals -mals…

        Mga pangatlong beses ko na tinutugtog sa piano ngayon itong Animals ng Maroon 5. Kasalanan ‘to ni manong taxi driver bakit ako LSS ngayon. Napapaisip tuloy ako na ito na lang tugtugin ko para sa talent competition.

        Nandito ako ngayon sa castle ni Trevor. Dinadalaw at dinalhan ng pagkain sila Lee. Nandito na din para magnakaw ng ilang tshirt ni Trevor. Para may masinghot naman ako bago matulog sa gabi. Nangungulila na ako pagmamahal nun eh.

        Walang training ang mga candidates dahil nakalaan ang araw na ito para sa practice ng talent competition. Pagdating ko sa hotel room kahapon, ilang oras lang ay dumating na din si Hye Soo. Dumiretso siya sa kwarto niya at hindi na lumabas hanggang hapunan. Mukha ngang may sakit. Namumutla nung sinisilip silip ko habang naghahapunan kami eh.

        Nag-vibrate ‘yung phone ko kaya itinigil ko saglit ang pagtugtog.

        Text message galing kay Chai. Dala na daw niya ‘yung mga records ni Mr. Yam Zhi Fan.

        Tumayo na ako sa piano seat at bumalik na sa loob ng mansion para magpaalam kay Lee. Inabot na  niya sa akin ‘yung paper bag na may lamang damit ni Trevor.

        Pagsakay ng taxi, tinext ko si Chai na magkita kami sa Tiendesitas.

        Nauna siyang nakarating at nagkita kami sa may Fely’s Sinugba.

        “Sinugbang pusit,” bungad niya sa akin pagkaupong pagkaupo ko pa lang.

        “Libre mo?”

        “Hindi. Libre mo. Ikaw kaya nag-aya dito.”

        Ay, magaling. “Pasalamat ka, kakakuha ko lang ng allowance ko.” Naglabas na ako ng pera at inabutan siya. “Mine’s same as yours.”

        Kinuha ko ‘yung nakapatong na libro sa table pagkatayo ni Chai. Beauty Guide: Road to the Crown ang title. Napansin kong medyo makapal ang libro at may nakaipit na papel.

        “Nandiyan na ‘yung pinapahanap mo,” sabi ni Chai pagkabalik.

        “Thank you very much,” pasalamat ko sabay lusot ng libro sa dala kong paper bag.

        Sinimulan na namin ang pagkain. “Last time I checked her, hindi pa din siya lumalabas ng kwarto niya,” singit niya habang kumakain.

        “Baka masama nga talaga pakiramdam.”

        “Baka naman may iba ng ginagawa sa loob?” hinala ni Chai with matching laki pa ng mata and gulat reaction.

        “Ano naman?” tanong ko habang ngumunguya.

        “Ano bang ginagawa pag mag-isa lang sa kwarto?”

        Napatigil kami sa pagnguya at nagkatinginan. Dahan dahang gumuhit ang pilyang ngiti sa mukha namin. “Ikaw ah!” sabay naming sigaw.

        “Hoy, ikaw unang nag-isip nun!” pabiro kong sabi sakanya. “Bilisan na natin at ng makabalik na tayo sa hotel.”

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon