Chapter 17

36.2K 804 63
                                    

        Naglakad ako pabalik sa public market kung saan ko pinark si Baby Sci. Bago ako sumakay, chineck ko muna ‘yung compartment at header kung may kakaiba. Pati na din ‘yung gulong. Sinilip ko din ‘yung ilalim. Mukha na nga akong shunga dito. Mahirap na, baka mamaya may pinalagay pala dito si Hye Soo. Pagsakay ko, chineck ko din ‘yung passenger seat sa likod at harap, pati ‘yung glove compartment at bawat sulok ng loob ng sasakyan.

        Wala naman akong nakitang kakaiba at nakakabit. Pero tingin ko hindi na safe gamitin ‘tong si Baby Sci.

        Kinalkal ko ‘yung bag ko sa shotgun seat at hinanap ‘yung calling card na binigay sa akin kanina ni Hye Soo. Hokubei Automotive Service Center. The owner is Tyson Tanabe. Dito lang din sa may Pasig. Barangay Oranbo. Malapit lang ‘to dito sa headquarters.

        Binulsa ko ‘yung card at inistart na ‘yung sasakyan para pumunta sa auto-shop.

        Pinasok ko si Baby Sci at pinark sa loob ng shop. Malaki at maganda ‘yung lugar. Pagbaba ko ng sasakyan, lumapit agad sa akin ang isang lalaking naka-blue jumpsuit. Empleyado siguro dito.

        “Good afternoon, Ma’am! Welcome to Hokubei Automotive Service Center!” masigla niyang bati.

        Kinuha ko ‘yung calling card sa bulsa ko at pinakita sakanya. “I’m looking for Mr. Tanabe.”

        “Ah si Sir po. Wala po kasi siya dito ngayon. Hindi po pumasok. Pero nandiyan po si Mrs. Tanabe,” sagot niya sa akin.

        “Pwede ba siyang makausap?”

        “Sige po, Ma’am. Kaso lumabas po kasi siya eh, tatawagin ko lang. Doon po muna tayo sa office niya,” aya niya sa akin sabay talikod.

        Inikot ko ‘yung paningin ko sa shop habang sinusundan siya. Hindi ‘to pipitsuging auto-repair shop. Maayos at maganda ang ambiance dito sa loob. Madami ding customers. Tinignan ko ‘yung patch na nakalagay sa dibdib ng jumpsuits ng mga empleyado. Nakalagay dito ‘yung pangalan ng shop at sa baba ay may Japanese characters. Tingin ko katumbas lang na Japanese ‘yun nung pangalan ng shop. Ito kaya ‘yung business  na nabanggit ni Hye Soo na pinapatakbo niya?

        Umakyat kami sa second floor at pumasok sa isang opisina.

        “Tatawagin ko lang po si Mrs. Tanabe. Dito na lang po kayo maghintay,” sabi niya sa akin sabay alis na din.

        Umupo ako sa silya sa harap ng desk. Napatingin ako sa wedding picture na naka-frame sa desk. Isang lalaking singkit at morenang babae.

        Saglit lang ako naghintay at may pumasok na ding isang babae sa loob. Napatayo agad ako. Siya ‘yung morenang babae sa nasa wedding picture.

        “Hi!” nakangiting bati niya sa akin. “I’m Emily. Emily Tanabe. Ronie said you’re looking for my husband. Please, take your seat.”

        “Hi, Emily. My name’s Ara. Ms. Ye Hye Soo gave me this card,” inabot ko sakanya ‘yung calling card saka umupo, “and told me to come here to have my car repaired.”

        Umupo siya sa katapat kong silya. “You must be the one she called for earlier. Don’t worry, I’ll let my best worker deal with my friends fault,” nakangiti niyang sabi sa akin.

        Kinuha niya ‘yung telephone niya at saka nag-dial. “Ronnie, start working on the car of the beautiful lady you took to my office… Yes… Thank you…” Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa pagkababa niya ng telepono. “I hope wala ka namang injuries from the accident.”

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon