Chapter 37

30.6K 657 40
                                    

        Inayos ko ang ulo ni MJ na nakasandal sa aking balikat. Samantalang si Chris naman ay nakahiga sa aking kandungan.

        Kanina pa nakatayo si Tito June sa tapat ng kabaong ni Tita Mary. Si Trevor naman ay nasa likod para asikasuhin ang mga bisita. Marami rami na din ang dumating na bisita at nagpapaabot ng simpatya sa pamilya Del Julio. Karamihan mga business partners ng pamilya nila.

        Kaninang hapon ay pumirma na si Tito June at pumayag ng tanggalin ang life support ni Tita. Masakit at mahirap, pero kailangang tanggapin na wala ng pag-asang gumising pa si Tita Mary.

        Umupo si Trevor sa tabi namin. Kinuha niya ang kamay kong nakapatong sa balikat ni Chris. Binigyan niya ito ng madiin na halik. Matapos ay tinignan niya ako diretso sa mata, “Thank you,” he mouthed.

        I cupped and brush my thumb on his cheek. “Anything for you.”

        “Let’s take them home.” Binuhat niya si Chris at ginising ko naman si MJ.

        Nagpaalam kami kay Tito para makauwi at makapagpahinga na ‘yung mga bata.

        Amoy ang singaw na dulot ng ulan kaninang hapon paglabas namin ng funeral chapel. Halos nakiramay ata ang langit sa pinagdadaanan ngayon ng mga Del Julio. Simula umaga hanggang gabi hindi ko iniwan si Trevor.

        Sa harap ako umupo at sa likod naman si MJ at Chris. Paglabas namin ng Arlington, saka ko lang naalala na mga hindi pa pala kami naghahapunan. Napatingin ako sa oras at mag-aalas nuebe na ng gabi.

        Tutal madadaanan naman namin ang SM Aura, napagpasyahan namin ni Trevor na doon na lang mag-dinner. Hindi ako nakaramdam ng gutom at siguro kung hindi ko pa mapapansin ang oras, hindi din kakain ng hapunan ‘tong mga ‘to.

        Nang makauwi na sa Del Julio residence, diretso sa kwarto ang magkapatid. Si Trevor ay sinamahan si Chris at ako naman ay si MJ ang inasikaso.

        “Ate,” mahinang tawag sa akin ni MJ habang sinusuklay ko ang buhok niya.

        “Hm?”

        “Bakit kailangang kunin niya si Mommy?” Tinignan niya ako mula sa salamin sa harap namin. “Bakit kailangang mawala ni Mommy?” Tears started to form in her eyes.

        Parehas kami ng tanong, ganyan din ang tanong ko nung namatay ang mommy ko. “I have no answer for your question. All I know is… Tita Mary is in God’s hands now. Doon hindi na siya nahihirapan. Doon hindi na siya nakikipaglaban sa sakit niya.”

        “God’s hands,” MJ murmured. “Kung ayaw niyang nahihirapan at nakikipaglaban si Mommy sa sakit niya, bakit hindi na lang niya pinagaling si Mommy?”

        I sighed. Ito ‘yung mga uri ng tanong na hindi mo marereview. Mga uri ng tanong na wala naman talagang nakakaalam ng tamang sagot. Mga uri ng tanong na mas mahirap pa sa exam. “Maybe because… tapos na ‘yung mission niya dito. God gave you a wonderful and lovely mother. Napalaki ka niya ng maayos, nabigyan ng magandang buhay at pinaramdam na mahal na mahal ka niya. Losing someone doesn’t mean it’s the end of you also. I’ve also lose my mother same as your age. Mahirap. Masakit. But all we can do is grieve. And then time will come for acceptance.”

        Yumuko siya kasabay ng pagbagsak ng luha niya. “At least she’s with Kuya Charles now,” she whispered.

        Napatitig ako sakanya. Kung alam mo lang, MJ. Kung alam mo lang. “MJ.” Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. “Si… Stephen. Anong tingin mo sakanya?”

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon