Kapag broken hearted ka talaga lahat na lang ng marinig mong kanta feeling mo para sayo. ‘Yung tipong ninanamnam mo bawat lyrics ng kanta. Kulang na lang kumuha ka ng camera at videohan mo sarili mo may music video ka na. Kahit na paminsan masigla naman ‘yung kanta ang emo mo pa din.
Kasalukuyan kong pinapakinggan ‘yung boses ni Adam Levine na kumakanta ng Misery habang nakaupo sa table for two at nakatitig sa bintana nitong coffee shop. “I am in misery. There ain't nobody who can comfort me. Oh yeah!” Ang tagal naman ni Anne. Ano ba ‘yan. “Why won't you answer me? The silence is slowly killing me. Oh yeah!”
Oh yeah, Adam. Oh yeah. My boyfriend won’t answer me and his silence is slowly killing me. Now I am in this state of misery.
May nalalaman pa siyang ‘Not seeing you feels like not seeing the sun anymore’ eh matapos ko nga siyang puntahan kahapon sa office niya at walk-outan ako, hindi na talaga siya bumalik para kausapin ako. Umasa ako eh. Alam niyo ‘yun?
Eto namang si Anne isa pang paasa. Ang usapan 9am kami magkikita. Aba’t 10 o’clock na wala pa. Ngayon na nga lang magkikita ulit may balak pa atang indyanin ako.
Tumayo muna ako sa kinauupoan ko para pumunta sa restroom. Kaso saktong paglingon ko, may nabunggo akong lalaki at tumapon sa akin ‘yung dala dala niyang kape. Malamig na kape. Napaurong ako bigla at napatingin sa tumutulong kape at nalaglag na yelo galing sa dibdib ko. Light blue pa naman ‘tong blouse ko. I wasn’t informed na may nagnominate pala sa akin sa Ice Bucket Challenge. Tho my version would be Iced Coffee Challenge. “Sht,” mahina kong sabi.
Napaangat ako ng ulo para bigyan siya ng masamang tingin. Nakatitig lang siya sa akin habang hawak hawak ‘yung nangalahati na niyang iced coffee. Ano, kuya!? Wala kang balak mag-sorry!?
Tinitigan ko din siya para hintayin ‘yung sorry niya. Balbas sarado siya, ‘yung tipong hindi ata uso shave sa pinanggalingan niya. Pero hindi naman mukhang dugyot. Maypagka-makapal ang kilay at singkit na itim na mata. Medyo mahaba ang wavy at itim niyang buhok. Natatakpan nito ‘yung noo niya. Pero agaw pansin at mas napatitig ako sa malalim na pahabang peklat niya sa kanang pisngi. Nagsimula sa sintido papunta sa gitna ng pisngi ang peklat. Di din pinalampas ng mata ko ‘yung black eye niya sa may kaliwang mata. Tsh. Mahilig siguro makipagbasag ulo ‘to kaya ganyan ‘yung mukha. Bad boy ang datingan ni kuya lalo na ‘yung makanto niyang panga. Pero hindi ka uurungan ng Badass Police Chic.
Makakabisado ko na mukha niya at nagmukha na kaming statwa dito pero hindi pa din ako nakakarinig ng sorry. May balak ka bang makipaglaro na lang ng titigan sa akin? Anong feeling mo, maiinlove ako sayo? Aba, pipi ka ba? O sadyang walang modo? O talagang na-speechless ka na sa ganda ng nasa harap mo?
Inirapan ko na siya sabay lakad palampas sakanya.
Nagkukukuha ako ng mga tissue sa gilid ng hand dryer pagpasok sa restroom. Badtrip. Paulit ulit kong pinunasan ‘yung blouse ko kahit alam ko namang hindi mawawala ‘yung mantsa nung kape. Binato ko na lang ‘yung tissue sa may trashcan. Badtrip talaga.
Malakas kong binuksan ‘yung pinto ng restroom at nagulat sa nag-aabang na lalaki sa tapat. Si Kuyang pipi. Inirapan ko siya uli sabay martsa palabas ng coffee shop. Natigilan ako paglabas ko ng pinto ng biglang may humawak sa braso ko. Nilingon ko siya at mukhang wala siyang balak lubayan ako. Hawak hawak niya ‘yung phone niya at parang nag-tytype. Ay nako, kuya. Wala akong balak na ibigay sayo number ko!
BINABASA MO ANG
Undercover Queen
Hành động[Book 2 of Undercover Chic] The Undercover Chic is a secretary no more. It won't be pen and gun anymore. Get ready to get hypnotized again. Because this time, we're talking about tiara and gun. Officer Yeo reporting for duty as an Undercover Queen.