Chapter 46

25.7K 639 20
                                    

        He parked the car beside a white and blue building. Across it is also a tall building painted in gray and red. Lumingon ako sa likod. I can see the MOA Arena behind the one-story building. It’s dark outside and there's no even post lights. You can’t see people walking on the streets at this time of night. He drove all the way from Taguig to Pasay just to get a quiet place.

        Lumabas siya ng sasakyan at malakas na binagsak ang pinto. Lumabas din ako para sundan siya. Hawak niya ng dalawang kamay ang ulo niya. Frustrated as he seems. He looked at me, tense seen on his eyes, “What do you want from me?”

        “The truth,” agad kong sagot. “I want you to tell me the truth, Mr. Devenecia.”

        “The truth!? Gusto mong sa akin mismo manggaling kung sino talaga ako!?” he furiously asked. “Oo, ako si Charles! Oo, nagpapanggap lang ako! Oo, nakakapagsalita ako! Masaya ka na!? Ha!?”

        I smiled bitterly. “Masarap ba sa pakiramdam?”

        He gave me questioning eyes.

        “Sumigaw. Isigaw ang katotohanan. Mabawasan ng kasalanan,” isa isa kong sabi. “Masaya ka ba sa buhay mo ngayon? Sa buhay na inagaw mo sa walang kamalay malay na tao. Sa buhay ng taong pinatay ninyo. Sa buhay na wala kang karapatan. Masaya ka ba, ha, Charles?”

        His thin lips tremble. “I’ve been living in hell for a while. I don’t mind living for the rest of my life.”

        “Ganyan ka talaga katigas?”

        “May magbabago pa ba? Masa-“

        “Wala ka ba talagang konsensiya? Wala na bang natitirang dignidad diyan sayo?”

        “Wala na, Summer! Wala na!” matigas niyang sagot.

        His answer silenced me for a moment. “Kung wala na… ipaliwanag mo sa akin kung bakit gustong gusto mo pa ding mapalapit sa mga kapatid mo. Bakit nag-aalala ka pa din sakanila? Bakit nakipagkita ka pa din kay Tita Mary? Ipaliwanag mo sa akin kung bakit mo ako niligtas sa elevator noon,” I challenged him. “Wala na nga ba talaga?”

        He doesn’t answer me. He faced his back on me and strongly kicked the front wheel of his car.

        “Charles kung wala na nga talaga dapat hindi ka na bumalik dito! Dapat nagpakasasa ka na lang sa pera mo sa ibang bansa kung saan hindi ka talaga makikilala! Lalayo ka sa pamilya mo! Magpapakasaya ka ng wala sila! Hahayaan mo na lang na isipin nilang matagal ka ng patay! Hindi mo na ipipilit ‘yung sarili mo sakanila!” patuloy ko. “Sa tingin mo ba matatago mo ‘yang sikreto mo habang buhay? Sa tingin mo ba hindi ‘to malalaman ni MJ at Chris? Oh pag lumabas ‘yung katotohanan, anong gagawin mo ulit? Tatakbo’t magtatago sabay palit ng katauhan? Papatay ka na naman ng walang kamalay malay na tao? Ikaw mismo nagpapahirap sa sarili mo, Charles. Ikaw mismo naglalagay sa sarili mo sa impyerno.”

        Hinarap niya ako at mabilis na lumapit sa akin. “I was trying to protect them!”

        “Kaya okay lang sayo na maulila kung sino man ang pamilya ni Stepehen Devenecia? Kaya okay lang sayo na mamatay si Stephen Devenecia? Oo prinotektahan mo ang pamilya mo! Pero sa maling paraan, Charles!”

        Ngumisi siya at umiling, “My brother told you, didn’t he?”

        “I figured it out myself. I heard you and Kevin at the fire exit the day Tita Mary died. So don’t you ever blame Trevor.”

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon