Mahirap maging mahirap lalo na at umaasa ka pa lang sa mga magulang mo. Minsan nakukuntento ka nalang sa kung anong meron kayo. You are not the same as your friends na lahat nasusunod kahit na anong hingin nila sa mga magulang.
Kung sana lang ay pwedeng mamili ng buhay na gusto ko ay maganda sana pero ito ang buhay na para sa akin. Engineer si papa pero hindi sapat ang kinikita niya dahil sa pagpapagamot rin ni mama at kaming dalawa naman ng kapatid ko ay nag-aaral pa.
Kaya nga kapag nakagraduate na ako ay maghahanap talaga agad ako ng trabaho para makatulong sa pamilya ko at para rin kahit papaano ay masunod ang kahit na anong gustuhin ko.
"Ano sa tingin mo Irish?"
Napatingin naman ako sa kaibigan ko ng magsalita siya.
"Ha? Ano ulit yon?"
I asked her at tinigilan muna ang kakatingin sa kawalan.
Nasa cafeteria kami ngayon at kung hindi niya ako inayang sumama sa kanya at ilibre niya ay hindi talaga ako kakain ngayon para may maipampamasahe pauwi.
Wala pa kasing sweldo si Papa kaya kailangan kong magtipid.
"Ang sabi ko sa bahay na tayo bukas para matapos mo na ang thesis mo. Mas makakatipid ka kaysa ang magrent ka pa sa internet cafe. Tsaka pwede mo ring hiramin ang isang laptop ko na hindi ko naman masyadong ginagamit."
Tinitigan ko naman siya saglit saka tumango.
Haziel is really such a good friend to me at kahit malayong malayo ang estado namin sa buhay ay nagkasundo parin kami.
Were classmates ever since high school at nasa iisang school lang din kami ngayon pero kahit magkaiba ang kurso namin ay nagkikita parin kami araw araw at nagkakausap.
I'm an accountancy student while siya naman ay pre med ang kinukuha. She wants to be a doctor at kayang kaya naman ng family niya ang gastos sa pag-aaral niya kaya matutupad talaga ang gusto niya. Ako nga rin sana pero hindi kaya thats why accountancy nalang ang kinuha ko.
"Sige..salamat Haz ah..hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka. Lagi mo nalang akong tinutulungan."
"You're my bestfriend and what friends are for right? Tsaka tinutulungan mo rin ako sa mga subjects ko no."
"Ah..sabagay.. pero salamat parin talaga." Sambit ko at tumango naman siya.
Panay lang ang usap naming dalawa habang kumakain pero natigil iyon ng may umakbay sa akin at kinuha ang muffins na kinakain ko.
"Lancer!!"
Saway ko pero tumawa lang ang loko.
Aish!
"Bakit ka na naman nandito?" Sambit ko at sinasamaan parin siya ng tingin.
"Iniwan na naman kasi ako ng magaling kong kaibigan."
"Hulaan ko, nandon na naman sa pinsan mo no?" Haz said at tumawa naman ulit si Lancer.
"Syempre saan pa ba. Kulang na nga lang pati sa loob ng classroom samahan niya ang pinsan ko para walang ibang makalapit."
Nangunot naman ang noo ko sa sinabi nito.
Nandon na naman siya sa batang yon? Tsk! Kailan ba siya titigil sa kakasunod don?
"Baka sila na kaya ayaw na niyang lubayan?" Haz said na nagpakunot lalo sa noo ko at napatayo pang bigla.
No way!! Hindi pwede yon!
"Irish? Okay ka lang?"
Natigilan naman ako don at tiningnan ang dalawa na nagulat sa pagtayo ko.
"Ha? Ah oo, sorry. Nakalimutan kong may dadaanan pa pala ako sa library bago pumunta sa susunod kong klase. Sige ah, kita nalang tayo mamayang uwian." Sambit ko at nagmadaling umalis sa harap nila.
BINABASA MO ANG
HEART SERIES 2 - Karma Butterfly(Electric Hearts)✓[Completed]
Short Story♡ Heart Series 2 ♡ Good thinking can result to a good decision making. Ni minsan ay hindi ka nagkakamali sa mga desisyon mo kasi pinag-iisipan mong mabuti ang mga ginagawa mo. But..what if yung inaakala mong tamang desisyong ginawa mo ay isang malak...