Sh*t!!
So all this time mali ako nang iniisip sa tuwing naririnig kong tinatawag niya akong Irah?? Na nagseselos ako sa tuwing lasing siya at hinahanap si Irah lalong lalo na sa tuwing sinasabi niyang mahal niya si Irah na ako naman pala??
My God! Ibig bang sabihin noong nasa Pilipinas palang kami at hindi pa kami kasal ay totoong mahal na niya ako?? D*mn Zachari! Kakaiba ka talaga sa lahat at kahit anong gawin kong hindi ka na mahalin ay hindi ko magawa!
But aish!! Bakit ba kasi yon ang tawag niya sa akin??
Irah huh?
"Look at me baby." He said habang pilit hinuhuli ang mga tingin ko pero panay naman ang iwas ko at bahagya siyang tinutulak sa dibdib.
"I love you." Sambit niya ulit and this time ay napatingin na ako sa kanya ng tuluyan na naging daan naman para mahalikan niya ako sa mga labi.
It was just a swift kiss but I can feel every emotions that he wants me to know.
Ramdam ko namang mahal niya ako noon pero lagi lang talaga akong pinapangunahan ng pagdududa kasi napaimposible sa akin noon na tuluyan niya mahalin.
"I know what you really did back then. You left me not because I told you to leave me but because you wanted to save your family and mine from that manipulative old woman."
"How did you know about that?" I asked him at sa wakas ay nakuha ko nang makapagsalita.
"I saw the letter and the other things that the old woman gave you. You left it in our room and thats the reason why I didn't look for you for these past years. You sacrificed that is why I did my part and I worked very hard to save my family's company and to look for every possible things to get away with that old womans hold. Inalam ko ang lahat ng tungkol sa pamilya niyo at ang ugat kung bakit ganon nalang kagalit sa inyo ang matandang yon. And when I've found out everything ay gumawa ako nang paraan para gawing tama ang lahat hoping that you'll be back in my life. It took me so long but it paid everything off tho."
He explained at doon ko lang ulit naalala na siya ang tumulong sa amin para malaman at matuklasan ang lahat nang dapat naming malaman tungkol sa iniwan ng lolo ko sa papa ko.
Akala ko wala lang talaga sa kanya o kaya galit siya sa akin noong umalis ako sa buhay niya. I was really wrong all along kasi gumagawa pala siya ng paraan para umayos ang lahat hindi lang para sa pamilya niya at sa pamilya ko kung hindi para rin sa aming dalawa!
Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong maging emosyonal at yakapin siya ng tuluyan dahil isa yon sa dahilan kung bakit mabilis akong nagdesisyong bumalik sa buhay niya not minding the old woman's possible intervention.
"I'm sorry Zac..I'm sorry kung hindi ako naging matapang. I'm really really sorry."
"It's okay baby..I understand everything but please starting from now, whatever problems may come ay pag-uusapan natin yong mabuti at wala nang maglilihim kahit sino sa atin. Ayokong mag-isa mong hinaharap ang problema kasi hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kapag naulit pa ito." Anito habang pinupunasan ang walang tigil na luhang bumubuhos sa mga mata ko.
"I love you so much and I'm sorry if I didn't tell you earlier how much I am inlove with you. Akala ko kasi alam mo na ang lahat nang nararamdaman ko pero hindi pala. I guess my actions is not that clear to you before." Dagdag niya pa at umiling naman ako.
"You're actions was clear to me but my brain just can't accept that you finally love me. Akala ko kasi talaga hinding hindi mo ko pagtutuunan ng pansin, na hindi mo ako mamahalin kahit kailan." Siya naman ngayon ang umiling sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
HEART SERIES 2 - Karma Butterfly(Electric Hearts)✓[Completed]
Short Story♡ Heart Series 2 ♡ Good thinking can result to a good decision making. Ni minsan ay hindi ka nagkakamali sa mga desisyon mo kasi pinag-iisipan mong mabuti ang mga ginagawa mo. But..what if yung inaakala mong tamang desisyong ginawa mo ay isang malak...