She's his girlfriend. His reaction confirmed it all nang tawagan ko siya kasi ni hindi na siya nakapagpaalam sa akin at ibinaba agad ang tawag. Even when he arrived at his office ay hindi niya ako pinansin at agad dumiretso sa opisina niya.
Did he misses his girl so much? I wonder kung ano ang ginagawa nila doon sa loob.
Sh*t! Gusto kong maiyak!
"Maam? Okay lang po ba kayo?" Pagtatanong ng secretary ni Zac na si Miss Charlene.
"Okay lang ako. Pero Ms Cha..matagal ka na dito diba?"
"Matagal tagal na po maam, bakit po?"
"Kilala mo ba yung si..Sophia?"
"Si Ms Sophia? Ah oho. Kababata yon ni sir at madalas yon dito kapag walang trabaho."
Kababata? Bakit hindi ko alam yon?
"Naging sila ba?" I asked again at napakibit balikat naman ito.
"Hindi ko alam maam pero yang si sir hindi naman yan naggigirlfriend, mga flings lang. Hindi yan seryoso sa relasyon noon pero ngayon kitang kita ko ang pagbabago niya dahil sa inyo. Mahal ka po niyang si sir maam."
Pagbabago? Did he really changed? In a way tho at mahal? Nah..isa lang naman ang kilala kong taong mahal ng lalaking yon ngayon. Hindi yung batang si Zherine kundi yung Airha na nasa loob.
Natigil naman kaming dalawa sa pag-uusap ng tumunog ang telepono at nanghingi si Zac ng kape at juice naman sa kasama niya.
Gusto ko sanang ipahatid nalang kay Ms Cha kaya lang ipinapagawa naman si Zac sa kanya kaya ako nalang ang napilitan.
Pagkapasok ko sa opisina ay nag-uusap silang dalawa. They're sitting side by side on the couch at mukhang seryoso ang pinag-uusapan.
"Here's the coffee and the juice sir." I coldly interrupted and then hindi na binalak pang tingnan silang dalawa lalo na si Zac at mabilis agad na lumabas.
I shouldn't be jealous but I can't help it!
Except for Ms Cha ay walang alam ang iba na asawa kuno ako ni Zac at mukhang ganon din ang babae kanina. He requested it to his parents and grandparents at mas gusto niya raw na maging pribado ang buhay namin. I prefer it that way pero ngayon parang gusto kong ipagsigawan na asawa niya ako kahit hindi naman totoo.
Naging madalas ang pagpunta ni Sophia sa opisina ni Zac at ang sabi ni Ms Cha. May tinatrabaho daw sila that is why madalas ko naring hindi nakakausap si Zac. Kahit nga sa bahay niya ay hindi ko siya nakakausap dahil ako lang ang laging mag isa ang umuuwi. Minsan nga hindi ko namamalayan ang pag-uwi niya at kung hindi pa siya tumatabi sa higaan ay hindi ko siya mapapansin.
He is back to being cold to me pero kapag nandyan ang parents at grandparents niya ay sobrang sweet siya sa akin. Minsan naman kapag hindi siya makatiis at gusto akong angkinin ay nagiging sweet siya gaya nalang ngayon kaya nilulubos lubos ko ang pagkakataong yon at pinaparamdam ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko.
"I love you so much Zachari."
I whispered as I drove off to sleep after he takes me again in his bed.
Hanggang kailan ba ako mamamalimos ng pagmamahal sa kanya? Tatagal ba talaga ako sa ganitong set up? Ilang buwan na ba akong nandito? Dalawa? Ang bilis naman ng panahon.
Hays..hanggang kailan ako magtatanong sa sarili ko ng paulit ulit na tanong?
Kahit masama ang pakiramdam at mukhang lalagnatin pa ako ay pumunta parin ako sa opisina kasi may mahalagang meeting ngayon ang kumpanya.
BINABASA MO ANG
HEART SERIES 2 - Karma Butterfly(Electric Hearts)✓[Completed]
Short Story♡ Heart Series 2 ♡ Good thinking can result to a good decision making. Ni minsan ay hindi ka nagkakamali sa mga desisyon mo kasi pinag-iisipan mong mabuti ang mga ginagawa mo. But..what if yung inaakala mong tamang desisyong ginawa mo ay isang malak...