25

610 15 0
                                    

I was really clueless as hell kaya nang matanaw ko si Xavier na ngingiti ngiting lumapit sa akin ay agad akong nagtanong sa kanya. Hindi ako manghuhula tsaka si papa naman kasi hindi ipinaliwanag sa akin ng mabuti ang tungkol sa party na ito!

"Kaninong party ito Xav? Tsaka bakit nandito karin? Maaga ba tayo kasi bakit walang tao?" I asked pero ang lola niyo iba ang sinagot sa akin!

"Oh my Gosh babe!! You're so gorgeous tonight!! Maglalaway na naman ang pinsan ko sayo panigurado! Ang sexy mo at kinabog mo talaga ako ng bongga!!" Anito kaya marahan ko naman siyang kinurot sa tagiliran.

"Tumigil ka ngang bakla ka at sagutin mo ang tanong ko! Anong meron dito sa party na to? Bakit walang katao tao?"

"Aray ha! Ang sadista mo talaga! Pero sekretong malupit yon babe! Tara lets at sumama ka sa akin dali!" Anito at hinila ako papalabas ng hall at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

"Xavier Felixe!!"

"Chill babe! Malalaman mo rin ang lahat kapag nandon na tayo!"

Aish!! Wala talaga akong mapapala sa baklang to! Kainis!!

Mayamaya ay namalayan ko nalang na lumabas kami at napahawak ako ng husto sa kanya nang hinila niya ako sa madilim na part nang sa tingin ko ay garden.

"Be happy babe!" Dinig kong sambit ni Xavier and then binitawan niya ang kamay ko dahilan para mataranta ako.

"Xavier!!" Sigaw ko pero wala na akong narinig kahit na isang salita sa kanya.

Akmang babalik ako sa pinanggalingan namin kanina ng isang pamilyar na kamay ang humawak sa kamay ko at mayroong isang ilaw na lumiwanag sa banda namin.

"Love?" Gulat kong sambit nang makita siya.

"Hi?" Anito kaya kinunutan ko naman siya ng noo

"Bakit ka nandito? Akala ko ba may importante kang gagawin?"

"Yeah..there is and you are involved."

"What?? Hindi kita maintindihan. Ipaliwanag mo nga sakin ang nangyayari." Sambit ko at ngumiti naman ang loko tapos ay ninakawan ako ng isang mabilis na halik sa labi.

"You're so d*mn gorgeous tonight my love. Hindi na tuloy ako makapaghintay na masolo ka. But well, before that let me ask you something." Anito at kinindatan ako saka lumuhod siya sa harap ko.

"Anong ginagawa mo Zac?" I asked at naguguluhan ako sa kanya.

"My love, my Irah.. alam kong nagsimula tayo sa hindi tama. I was a jerk back then but you still choose to be with me so now. Let me ask you one thing that I should I asked you first before. Will you marry me??" Walang preno niyang sambit na ikinanlaki naman ng mata ko.

Nagpopropose siya??

Oh my God!! Hindi nga??

Don't tell me pinagplanuhan niya ang bagay na to??

"Ano ka ba! Kasal na tayo diba??" Sambit ko at natawa naman siya.

"Oh let me rephrase that. My Irish Fairah..will you marry me again?" Pag-uulit niya kaya napangiti naman ako ng husto!

"Ikaw..lagi mo nalang akong sinusorpresa."

"I like surprises love and I love surprising you. Now, whats your answer?" He demanded at napanguso naman ako.

"Ang sarap sanang tumanggi pero alam mo namang hindi kita kayang tanggihan. Syempre oo. Kahit ngayon nga payag akong pakasal tayo agad agad." Pagbibiro ko na nagpangisi naman sa kanya.

"Actually love..everyone is waiting for us. Pakasal na tayo ulit?" Anito kaya laglag naman ang panga kong nakatingin sa kanya habang sinusuot ang mamahaling singsing sa kamay ko.

HEART SERIES 2 - Karma Butterfly(Electric Hearts)✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon