5

480 11 0
                                    

Xavier is teasing me the whole time at sana hindi ko nalang sinabi na kasama ko ang pinsan niya. He knows I'm head over heels to Zachari thats why he expected me to do some stupid things again.

Pagkatapos nang tawagan namin ay hinanda ko na ang tanghalian ni Zac at dinala ito sa villa niya. The door is open kaya walang kahirap hirap akong pumasok sa loob just to see him asleep in the couch.

He looks so tired yet he is still freakinly handsome!

I shooked my head then dinala na ang pagkain sa malapit na lamesa. Iiwan ko nalang ito dito at kapag nagising na siya ay alam kong kakainin niya yon. I also left medicine para mainom niya sakaling sumakit ang ulo niya.

I was about to get out pero hindi ko natiis na bumalik kasi hindi maayos ang pagkakahiga niya sa couch.

Gosh Irish! Napakatanga mo talaga pagdating kay Zachari!

Kumuha ako ng unan sa kwarto saka inayos iyon sa ulo niya. Pinagmasdan ko naman siyang muli at hindi ko naiwasang magtanong kahit tulog siya.

"Ano ba talaga ang pwede kong gawin para makabawi ako sa kasalanan ko sayo?"

Evening came at hindi parin niya ako tinatawag at kahit hinatiran ko ulit siya ng makakain ay hindi rin niya ako pinapansin. Even nang makauwi na kami ng sumunod na araw ay wala parin siyang imik at sinasamaan lang ako ng tingin kapag sinusubukan ko siyang kausapin.

Pero.. nang makabalik na kami sa trabaho ay balik narin siya sa pagpapahirap sa akin. Sa akin niya inuutos ang halos lahat ng mga trabaho kaya madalas ay late na akong umuuwi sa bahay.

Just like today..it was almost 11 pm at ngayon pa lang ako uuwi kasi may pinasummarize na naman siya sa aking report at natagalan akong tapusin kaya inabot na naman ng gabi. He wants me to finish it early na ikinagalit ko sa kanya pero in the end ay ginawa ko parin.

"Nandito na po yung taxi maam."

"Salamat kuya." Pagpapasalamat ko naman sa security guard at pumasok na sa taxi para makauwi. But then hindi pa nga ako nakakatagal sa pag-upo sa taxi ay tumatawag na siya sa akin.

Don't tell me may iuutos na naman siya?

"Sir?" Sagot ko sa tawag nito at napakunot ako ng noo ng ibang boses ang narinig ko.

‘Maam kayo po ba yung assistant ng may ari ng number na ito?'

"Yes ako nga, bakit? Nasaan siya?"

‘Lasing na lasing po kasi si sir dito sa bar namin maam at ayaw niya parin pong tumigil. May nasuntok narin po siyang isang kasama ko kasi ayaw siyang bigyan ng alak.'

Napahilot nalang ako sa sintido ko saka sinabi sa kausap ko na pupunta ako para sunduin ang boss ko.

So instead of going home ay bumalik ako sa bar kung nasaan si Zachari ngayon. Tinawagan ko rin ang driver niya para masundo kami dito at maihatid ang boss namin sa bahay nito.

"Sir umuwi na po tayo. Lasing na lasing na kayo."

"W-who are you??"

"It's me Irish." Sambit ko at pilit siyang pinapatayo. Tinulungan naman ako ng isang waiter para maakay din siya.

"No! You're not Irah!!" Anito at itutulak sana ako pero hindi niya nagawa.

Sinong Irah? Tsaka hindi naman talaga ako si Irah! Nakakabingi rin ba kapag nalalasing? Hindi pa kasi ako nalalasing kahit kailan.

"I'm really not kasi ako si Irish." Sambit ko pero panay parin ang sabi niyang hindi ako si Irah.

My God! Sino ba kasing Irah yan? May karibal na nga akong Zherine tapos may Irah pa na dumagdag!

HEART SERIES 2 - Karma Butterfly(Electric Hearts)✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon