His offer is tempting lalo na at gustong gusto ko pa siyang makasama pero hindi ko pwedeng basta bastang tanggapin nalang yon!
Mas naging mahal ang gamot ni mama ngayon tsaka hindi pa siya pwedeng lumabas kaya siguradong mas madadagdagan ang bills sa ospital.
I have three days to decide at ito na ang huling araw na binigay ni Zac sa akin para makapagdesisyon.
"Magkano lahat ang bill anak?" Tanong ni papa dahil ako ang umasikaso sa lahat.
"Higit kumulang dalawang daang libo pa." Sambit ko at nanghina naman don si papa.
"Saan tayo kukuha ng ganon kalaking halaga? Kahit humiram ako sa mga kakilala ko ay hindi yon sasapat."
Naaawa naman akong napatingin kay papa."Magagawan ko ito ng paraan pa pero..kailangan ko hong umalis ng bansa."
"Ha? Anong aalis ka ng bansa?"
"May trabaho pong inalok sa akin sa ibang bansa. Sa New York po at kahit po mabayaran natin ang bill dito sa ospital ay kailangan parin nating bilhin ang mga maintenance na gamot ni mama para tuloy tuloy ang paggaling niya. Tsaka..si Flaime po magsesenior high na at mas malaki po ang magagastos niya sa school. Gusto ko rin po siyang makapagkolehiyo at ayokong nahihirapan siya sa pagkokonstruction at umekstra sa mga kantahan."
"Hindi ba scam yan anak? Mahirap na ang panahon ngayon tsaka malayo ang New York sa Pilipinas."
"Hindi po papa tsaka pinsan po ni Xavier ang may ari ng papasukan ko doon."
Ilang kumbinsi pa ang ginawa ko bago napapayag si papa, maging si mama at Flaime.
"Ate hindi mo naman kailangang mangibang bansa tsaka pwede namang tumigil muna ako sa pag-aaral at magtrabaho. Malaki naman ang pasahod sa konstruksyon at makakapag ipon ako."
"Flaime hindi ka titigil sa pag-aaral. Basta alagaan mo sina mama at papa dito habang wala ako. Para to sating lahat kaya sana suportahan mo ako." He nodded as a response.
"Pangako ate, mag-aaral ako ng mabuti para kapag nakagraduate na ako ay makakatulong narin ako sa inyo." I smiled then niyakap siya ng mahigpit.
I called Zac that same day pero hindi siya sumagot kaya pinuntahan ko siya sa condo niya. Sabado kaya walang pasok at nasa bahay niya lang yon kapag ganitong araw maliban nalang kung may mga meeting siya.
"Pumapayag na ako sa gusto mo."
I told him na ikinangisi naman niya.
"I already paid the bills of your mother and your work for me will start tonight."
Tonight? Bakit?
"Why tonight? Tsaka hindi mo pa sinasabi sa akin kung ano ang trabaho ko."
Wow Irish! Talagang pumayag ka muna sa gusto niya bago mo tinanong kung ano yung magiging trabaho mo sa kanya?
"You'll know it later. Come back here at six and will gonna talk again. You may go for now." Anito at labag sa loob naman akong umalis.
Umuwi naman muna ako saglit at nagpaalam sa mga magulang ko na gagabihin ako sa pag-uwi kasi mag-oovertime ako which I don't know if it is the exact reason to tell.
‘Babe!'
"What? Bakit ka sumisigaw?"
‘Totoo ba na kay Phinyx ka na magtatrabaho at sasama ka pa sa kanya pabalik sa New York?'
"Yeah..sinong nagsabi sayo?"
‘Siya! My God babe! Susundan mo talaga siya don para lang makasama mo siya?'
BINABASA MO ANG
HEART SERIES 2 - Karma Butterfly(Electric Hearts)✓[Completed]
Short Story♡ Heart Series 2 ♡ Good thinking can result to a good decision making. Ni minsan ay hindi ka nagkakamali sa mga desisyon mo kasi pinag-iisipan mong mabuti ang mga ginagawa mo. But..what if yung inaakala mong tamang desisyong ginawa mo ay isang malak...