Living here in the Philippines without my kids is really hard. I've expected it already pero hindi ko aakalaing ganito pala kahirap. Halos gabi gabi ay umiiyak ako at umaasa lang ako sa mga pictures na pinapadala sa akin ni Xavier because I never had the chance to talk to them.
Isang taon narin ang lumipas pero parang kahapon lang noong umalis ako ng New York. It's still fresh to me pero hindi ako nagsisising umalis kasi maganda ang naging bunga nang pag-alis ko.
Yung kumpanya nina Zac ay muling umunlad at nakikilala na rin ito sa buong mundo. Laman ito ng mga balita lagi kaya alam ko kung ano ang nangyayari sa kanya pero hindi lahat kasi tungkol lang naman sa kumpanya ang lahat ng laman ng balita.
"Ma, wag na pong matigas ang ulo. Uminom na po kayo ng gamot."
Sambit ko kay mama dahil nandito na naman kami ngayon sa ospital. Nagpabalik balik kasi ang sakit ni mama at suki na talaga siya ng ospital.
Mabuti na nga lang talaga at maganda ang trabaho ko ngayon pati narin ni papa kaya kahit papaano ay nakakabayad kami sa gastusin. Although minsan kinukulang ay marami naman ang tumutulong sa amin.
"Good morning. Anong nangyayari?"
"Ah..Doc ikaw po pala. Si mama po kasi ayaw uminom ng gamot." Sambit ko sa doctor ni Mama na kaibigan din niya.
"Hay naku Flare..uminom ka na tsaka ayaw mo bang gumaling?"
"Gagaling pa ba ako? Lagi nalang akong nandito sa ospital eh."
"Ano ka ba mare, syempre gagaling ka. Wag ka ngang panghinaan ng loob."
Mabuti nalang at sinunod naman ni mama si doktora kaya nakatulog na siya pagkatapos uminom ng gamot.
"Oh Flaime, mukhang masaya ka yata ngayon? Anong meron?"
I asked nang makarating siya sa ospital. Siya kasi ang papalit sa akin ngayon sa pagbabantay dahil may trabaho ako sa restaurant ngayon. Assistant chef kasi ako sa restaurant na pag-aari ng pamilya ni Trey at panggabi ang duty ko ngayon kaya hindi ko mababantayan si mama. Wala rin si papa kasi nasa ibang bayan ang trabaho niya.
Ngumiti naman muli ang kapatid ko.
"Wala ate." Tanggi niya na ikinataas ng kilay ko.
Napapansin ko kasi nitong nakaraang araw na bumabalik na siya sa dati. He's back to his old self now hindi gaya noong nakaraang buwan na lagi siyang bugnutin.
"Anong wala? Babae ba yan ha? Wag kang magsisinungaling!"
"Si ate talaga. Pero tama ka. Mukhang nahanap ko na talaga ang babaeng para sakin ate." Masaya niyang sambit at abot langit pa ang ngiti.
"Good for you then. Nililigawan mo na?"
"Liligawan palang kasi pinayagan na niya ako. Ang ganda niya ate, sobra."
"Aba, inlove ang kapatid ko. Siguraduhin mo lang na hindi mo kakalimutan ang pag-aaral ah?"
"Lagi naman ate. Ipapakilala ko siya sa inyo kapag may oras."
"Sure, sige na at aalis na ako." Sambit ko at nagpaalam na para makaalis.
This is my routine eversince I started working again at dito lang lagi umiikot ang buhay ko. Dito ko binubuhos ang oras ko pero minsan hindi ko parin naiiwasang isipin ang mga anak ko.
"Couz! Mabuti at dumating ka na. Tulungan mo na ako dito at madami tayong customer ngayon!" My cousin Ariane said na aligaga na sa pagluluto ngayon.
Pinsan ko siya sa mother side at dito kami nagkita ulit nang magsimula na akong magtrabaho dito. She came from Canada na naassign sa Cebu branch nitong restaurant at ngayon nga ay nandito na siya.
BINABASA MO ANG
HEART SERIES 2 - Karma Butterfly(Electric Hearts)✓[Completed]
Short Story♡ Heart Series 2 ♡ Good thinking can result to a good decision making. Ni minsan ay hindi ka nagkakamali sa mga desisyon mo kasi pinag-iisipan mong mabuti ang mga ginagawa mo. But..what if yung inaakala mong tamang desisyong ginawa mo ay isang malak...