21

499 13 0
                                    

A week after that so many revelations ay tumulak kami papuntang New York nina mama at papa. Alam narin ni Flaime ang lahat at nauna na siya roon sa New York kasama ang mapapangasawa na niyang si Zherine na nabalitaan kong buntis na pala.

Muntik na tuloy atakihin ulit sa puso si mama habang si papa naman ay napapailing nalang nang malaman yon.

Pagkalapag sa airport ay may sumundo sa aming sasakyan. Akala ko doon kami dideretso sa kung saan namamalagi ang kapatid ko at si Zherine pero sa mansion ng mga Miller kami inihatid! Don't tell me si Zachari ang nagpasundo sa amin hindi si Flaime?

"Naghihintay po si Sir Phinyx sa inyo sa loob maam." Salubong sa amin ng mayordoma ng mansyong ito.

I guess I'm right.

"Nasaan tayo anak?" Tanong ni Mama

"Nasa..bahay po ng mga Miller ma." Sagot ko at nangunot naman ang noo ni papa sa sagot ko samantalang naguluhan naman si mama.

"Miller? Wag mong sabihing isang Miller ang napangasawa mo?" Si Papa

"Uhm..ganon na nga po." Sagot ko naman saka pumasok na kaming tatlo sa loob ng bahay.

The house helper guided us in the living room where Zachari is waiting for us na may importanteng katawagan yata sa cellphone niya.

"Sir..nandito na po sila Maam Irish." Imporma ng kasambahay sa kanya kaya binaba na niya ang cellphone at agad kaming hinarap.

He looked at me first and then at my parents side bago siya lumapit at sinalubong ako ng maikling yakap na hindi ko naman inaasahan. Is he acting sweet on me just because my parents are here?

"Ikaw ang asawa ng anak namin?" My mother asked and Zac easily nodded.

"Kaano ano mo si Philip hijo?" My father asked too

"He's my Dad sir."

"Kung ganon ay alam mong hindi maayos ang ugnayan namin ng ama mo?"

"Yes..I'm fully aware of that sir but whatever unfinished business you have with my father, labas po ako jan."

"I know but what you did to my daughter is not right hijo. Pinakasalan mo ang anak namin ng hindi humihingi ng pahintulot sa amin. Hindi mo kami nirespeto bilang kanyang mga magulang." Zac nodded at what my father said.

"Alam ko po and I'm very sorry for that. But don't worry sir, papakasalan ko po ang anak niyo ulit at titiyakin ko pong nandoon na kayo sa araw na yon." Zac and I was surprised on what he just said.

Is he serious about it?

"Mabuti naman at naisip mo yan pero wag kang umasa na tatanggapin ka kaagad namin. Kahit ikaw ang dahilan kung bakit magiging maayos ang buhay namin ngayon ay hindi yon sapat kasi hindi pa kita lubos na kilala."

"I understand sir and I'll wait for the time that you will accept me as your daughters husband."

"Momma?"

Agad naman akong napalingon sa pinanggalingan ng boses just to see my eldest na kasama ng kakambal pati narin ang lolo at lola niya. She's the one who called me.

"Momma!!" Sabay na sigaw ng dalawa at masayang masaya akong sinalubong ng yakap.

Oh how I missed my kids! And they're growing too fast!!

"You're finally home momma!" Nyxiah said and two years had passed at mas nadepina pa ang lahat ng features ko na nakuha niya.

"You're not leaving anymore right?" Si Irian naman na malapit nang umiyak.

HEART SERIES 2 - Karma Butterfly(Electric Hearts)✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon