What is happening lately is very unexpected for me especially how Zac's been clingy and very possesive to me although our relationship was not that clear to me.
Walang araw na hindi siya dumidikit sa akin and I like that better kumpara noon na halos burahin na niya ako sa mundo para lang hindi makita.
"I hate you Nyx! Ilang araw ko pa nga lang nakakasama ulit itong bestfriend ko tapos isasama mo na siya paalis!"
Pagdadrama ni Xavier at halos hindi na ako pakawalan. Sumama siya papuntang airport kasi ngayon na ang alis namin ni Zac patungong New York.
My family was not here kasi nagpapagaling pa si mama samantalang parehong may pasok si papa at Flaime.
I haven't told them about Zac yet at ang alam lang nila ay aalis talaga ako dahil lang may offer na trabaho sa ibang bansa. As I've said, I'm not sure if what is happening between me and Zac is real. For now ay ineenjoy ko nalang muna kung anong meron kami and maybe if this will really turn out well ay saka ko na ipapaalam sa pamilya ko ang lahat.
"Stop doing that Vier and as if hindi mo kayang pumunta don."
"Psh!! O siya sige na at baka maiwan pa kayo ng eroplano. Hoy Zac! Yung sinabi ko sayo wag mong kakalimutan kung hindi sasampolan talaga kita makikita mo!"
"I'll take care of my baby, don't worry." Nangingiti nalamang ako sa sinambit nito.
This will be my first time going abroad and I'm a bit nervous at the same time excited.
Naayos agad ni Zac ang mga papeles ko kaya nakaalis kami ng mas maaga sa plano niya. Hindi ko nga alam kung paano niya nagawa yon pero siguro dahil marami siyang pera at kakilala.
"Welcome to your new home baby." Zac uttered nang makapasok kami sa loob ng penthouse niya na sobrang lawak. I was in awe again on what I am seing at habang nasa ganong estado ako ay nakayakap naman siya galing sa likod ko at nakapahinga ang baba sa balikat ko.
Kung yung unit niya sa Pilipinas ay sobrang malaki, eto naman doble pa ang laki at may second floor pa.
"Your living here alone?"
"You're here now so I'm not alone anymore." Sagot niya saka pinaglaruan ang kamay ko kung saan naroon ang singsing na isinuot niya sakin noong nakaraang araw.
Were not married thats what I know at hindi ko alam kung para saan ang singsing dahil wala siyang kahit na anong sinabi tungkol dito dahil nagising nalang ako isang araw na may suot na akong ganito.
Siguro para mas makatotohanan na kasal kaming dalawa sa mata ng ibang tao. We also had a fake marriage and a fake marriage certificate too at umalis ako ng bansa na apelyido niya ang dala ko.
Hindi naman ako nagtanong tungkol don at tsaka ayokong umasa na totohanan na sa amin ang lahat ng ito. Masakit umasa at mabigo tsaka kuntento na ako sa kung anong meron kami sa ngayon.
Kinabukasan ay balik trabaho si Zac sa kumpanyang ipinagkatiwala ng mga magulang sa kanya. Sumama rin ako sa kanya kasi assistant niya rin daw ako at dapat nandoon din ako kung nasaan siya.
"Anong gagawin ko?"
"Watch me while I'm working."
"Seryoso ka jan Zac? Akala ko ba assistant mo ako?"
"Yes, but personally and not for work."
Naparolyo nalang ako ng mata saka naghanap ng mga magazine o libro na pwedeng basahin. Kahit papaano ay may nagustuhan naman akong libro kaya natuon doon ang pansin ko hanggang sa may dumating na isang sopistikadang babae na halos kasing edad lang ng mama ko at kasama niya ang isang lalaking kamukhang kamukha ni Zac.
BINABASA MO ANG
HEART SERIES 2 - Karma Butterfly(Electric Hearts)✓[Completed]
Short Story♡ Heart Series 2 ♡ Good thinking can result to a good decision making. Ni minsan ay hindi ka nagkakamali sa mga desisyon mo kasi pinag-iisipan mong mabuti ang mga ginagawa mo. But..what if yung inaakala mong tamang desisyong ginawa mo ay isang malak...