19

459 12 0
                                    

Everything happens for a reason.

Matagal na akong naniniwala sa kasabihang iyon at patunay noon ang nangyayari ngayon sa pamilya ko.

How ironic is that, hindi ko aakalain na ang babaeng kinaiinisan ko noon ay makakasundo ko ngayon. Hindi lang kasundo kundi kasundong kasundo. Masyado talagang mapaglaro ang tadhana sa totoo lang.

Si Zherine Guerriero na mahal na mahal ni Zachari magpahanggang ngayon ay hindi ko aakalaing magiging sila ng kapatid kong si Flaime. That little girl that I judged before is the reason why my brother is back to his old self again. Mahal na mahal nito ang kapatid ko at kitang kita ko yon lagi sa tuwing magkasama sila.

Napakabait niya at naguiguilty ako na nagalit ako sa kanya noon. She doesn't deserve to be hated thats why ginagawa ko ang lahat ngayon para makabawi manlang sa kanya. Though hindi ako nagsisisi na ginawa ko ang mga ginawa ko noon sa kanya kasi masaya na siya ngayon kasama ang kapatid ko.

"Hows the dessert this time Zherine? Nagustuhan mo ba?"

"As always Ate pero sigurado ka ba talagang wala kang balak mag-open ng sarili mong dessert shop or just a small cafe? Ang sasarap kaya ng mga ginagawa mong desserts."

"Wala pa sa plano ko yan pero siguro kapag may maipangpuhunan na. Marami rin kasing gastusin ngayon at abala din ako sa trabaho."

"Kung sabagay..but if you change your mind don't hesitate to ask for help ate. I know some place at baka makatulong sayo."

"Oh sure pero matagal pa siguro yon." I told her although nakakatemp ang mga offer niya. Pakiramdam ko kasi hindi tamang tanggapin ko yon.

She's really one of the kindest person I've met pero hindi ko aabusuhin ang kabaitan niyang yon.

We are always hanging out lalo na sa tuwing wala akong trabaho or kung bumibisita rin ako sa bahay. And actually, hindi ko binabanggit sa kanya ang tungkol sa nakaraan kasi mukhang hindi naman na kailangan.

"Flaime.."

Tawag ko sa kapatid ko nang dumalaw ako sa bahay namin. Hindi na kasi ako nakatira sa bahay dahil masyadong malayo ang amin sa pinagtatrabahuhan ko tsaka para rin hindi ako matunton ni Zachari kasi umiiwas ako sa kanya as much as possible.

"Bakit ate?"

"Saan mo nga pala balak mag-intern?" I asked him kasi  next week na magsisimula ang intern nila at hindi ko alam kung saan niya balak pumasok.

Sumeryoso naman ang mukha niya pero saglit lang yon dahil ngumiti siya sakin.

"Sa New York ate, doon sa sinasabi ko sayong pangarap na kumpanyang gusto kong pasukin." Anito na ikinakunot naman ng noo ko.

Sa New York? Aalis siya ng bansa? Tsaka bakit doon pa? Hindi ba pwedeng dito nalang sa Pilipinas?

"Bakit doon? Tsaka ano nga ulit yung kumpanyang gustong gusto mo?" I asked kasi wala akong maalala sa kumpanyang gusto niyang pag-iinternan.

"Isa ako sa napiling mag-iintern doon kaya tinanggap ko na para maging maganda ang credentials ko. Kilala mo yung Diamond Nyx? Doon ako papasok ate." Anito na mabilis kong ikinagulat.

"What??"

Diamond Nyx? Of all the company in New York bakit doon pa?? Nananadya ba talaga ang tadhana?? Bakit ganito?

Anong problema don eh kapatid mo naman ang pupunta don hindi ikaw. Pangaral ko sa sarili ko pero kasi mas magkakaroon nang ugnayan si Zachari sa pamilya ko!

"Bakit ate? May problema ba?" Nagtataka namang tanong ng kapatid ko kaya agad akong umiling.

"W-wala. Nagulat lang ako na sa ganong kalaking kumpanya ka mag-iintern. Libre naman ba lahat ng expenses kapag doon ka pumunta?"

HEART SERIES 2 - Karma Butterfly(Electric Hearts)✓[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon